7

3 0 0
                                    
"Yesha! Are you okay? Yesha!"

Parang may biglang nag appear sakin nung sinabi niya yung Trixie nag flaflashback talaga.

"Yesha! Tell me what's wrong? Do you hear me? Tell me!" tatapik tapik niya ang pisngi ko, nanatili pa rin kase akong nakatingin sa kanya.

"Yesha! Come on"

"I'm fine. Uhh balik na tayo sa kubo baka nag aalala na sila" sabi ko sabay tayo. Baka kase pag nag tanong ako sa kanya about dun baka sagutin niya ako nang katulad ng sagot ni Karl sakin.

"Are you sure? wala ka bang nararamdaman?" nag aalala pa rin niyang tanong.

"Hmm i'm fine" at nag lakad na para di niya mapansin na medyo naiilang na ko sa kanya.

Tahimik kaming nag lalakad papunta kanila Xyrene madidinig ko ang alon ng dagat pero di maalis nun ang inis dahil feeling ko lahat sila may tinatago sakin.

"Alam kong naguguluhan ka at madami kang tanong, gusto ko sagutin yan kaso pinipigilan ko dahil natatakot ako na makita kang nasasaktan dahil sa nalaman mo. Wag mo pilitin na alala-lalahanin dahil madaming nag aalala sayo kapag nasasaktan ka, di man ngayon pero maalala mo lahat we will wait for you no matter what and we will never leave you behind remember that" mahaba niyang sabi na nakapag pahinto sa aking pag iisip, nakikita niya siguro nahihirapan na din ako mag adjust pero kailan pa?

Pagkalingon ko sa kanya nakalayo na siya sakin papunta sa hotel siguro. Tama lang siguro na parehas kaming mag layo dahil hindi ko alam yung sasabihin sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil andaming nangyayari, hindi ko alam kung anong uunahin ko, nanghihina ako sa mga nangyayari.

Naupo ako sa tabi ng puno at nilatag ang sarong ko para maupuan pinag masdan ko ang kulay asul na dagat, ang mga turistang naglalakad na masasaya at nag kwekwentuhan, may kumukuha ng litrato at may nag lalaro sa buhangin. Sana ganyan din ako kasaya walang iniisip.

"Alam kong naguguluhan ka at madami kang tanong, gusto ko sagutin yan kaso pinipigilan ko dahil natatakot ako na makita kang nasasaktan dahil sa nalaman mo. Wag mo pilitin na alala-lalahanin dahil madaming nag aalala sayo kapag nasasaktan ka, di man ngayon pero maalala mo lahat we will wait for you no matter what and we will never leave you behind remember that"

Nagpaulit-ulit sakin ang sinabi ni Dylan siguro nga parte siya ng nakaraan ko kaya everytime na may nasasabi siya biglang may kung ano sa utak ko, di man talaga siguro ngayon dadadating yung time na maalala ko lahat it takes time.

"YESHA!"

Nakatanaw lang ako sa malayo nang may tumawag sakin.

"YESHA TRIXIE!" sigaw ulit ngayon ay parang sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko si Xyrene at si Karl.

Kinawayan ko sila habang lumalapit papunta sakin.

"Saan saan ka ba nag punta? Mag isa ka lang, si Dylan naman di nagsasalita nung pinuntahan namin siya sa Hotel kanina ka pa namin hinahanap" asik ni Karl

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon