Iba sa pakiramdam na makita mo ang pinakamamahal mo na papunta patungo sa altar na kung saan lahat sila ay nag aabang na sabik na sabik kang makita sa dulo.Puno ng luha ang kanilang mga mata, dulot ba ito ng kasiyahan o kalungkutan?
Ang taong mahal mo na nakasuot ng bestidang puti na kay tagal niya ng pangarap na isuot, mga kulay puti at dilaw na rosas sa paligid,natatandaan ko pa kung pano mo ikwento sakin na gusting gusto mo ang mga bagay na katulad nito.
Mga magagandang bagay lang ang nakapalibot sayo ngunit walang mas makakatumbas ng kagandahan na tinataglay mo. Mga panahon na nagkwewentuhan tayo sa may lilim ng puno na tila bang tayong dalawa lang ang tao sa mundo. Walang araw ang nag daang di tayo naghihiwalay dahil pangako natin sa isa't isa na hanggang sa dulo tayong dalawa.
Ngunit ang pangako na ito ay mananatili nalamang salita dahil ngayon alam ko na masaya ka na, at kahit nasaan kaan ay susuportahan kita dahil ganyan naman diba?, suportahan ang mahal mo kung saan sya masaya.
Sinuportahan kita ngunit ang kapalit naman nito ang pighati ng aking nadarama, sa bawat minutong pinagmamasdan kita patungo sa altar ay katumbas ng sakit na aking nadarama ngayon.
Alam kong masaya ka na mahal kong Cristine, sana sa susunod na buhay ay matupad na natin ang pangako natin sa isat-isa
YOU ARE READING
Huling Gabi
Teen FictionBawat oras.....Bawat araw.... ikaw lang ang nasa isip ko sinta kahit paghiwalyin tayo ng tadhana gagawa ako ng paraan makasama ka lang muli, Aking mahal