Chapter 1

3 0 0
                                    

•Year 2000
"Pakshet siya akala nya kinagwapo niya yun, Ulol hindi!" Wala na akong paki alam kung pagtinginan ako ng mga tao ngayon basta ang ayaw ko lang ay nasasaktan ang kaibigan ko
"Than,Hayaan mo na siguro nagsawa na sya sakin kasi nga diba boring ako" Kahit kailan talaga kahit alam na ng lahat na hindi siya ang mayroong mali ay napakabait nya parin
"Pero tine, Mali yung ginawa nya eh. Niligawan ka nya, Oo tapos ano yung sinagot mo? Di pa nga kayo nag iisang buwan nagawa ka na niyang lokohin. Ulol sya!"
"Than wag ka ngang mura ng mura, Hayaan mo na ayos lang naman ako"

Pag nakita ko talaga yung lalakeng yun papatayin ko sya, Bakit nya yun nagawa kay tine

•Flashback•
"Than, dahil naka perfect ka sa quiz kanina libre kitang fishball sa second gate tara" Nakangiting anyaya nya sakin
"Sigurado ka? Huwag mo akong sisihin ha"
"Wag naman abusado oh,Napakatakaw mo PASLO!(patay gutom)"
"Biro lang" pero bago pa kami maka punta sa second gate ay nakita namin si luke , Na may kahalikang babae sa likod ng gymnasium
Agad kong tinakluban ang direksyon na kung nasaan sila luke dahil alam kong masasaktan si tine pag nakita nya ito, "Ahhh tine, ano nalang... sa plaza nalang tayo meron akong alam bagong bukas na streetfood, Fried Pizza subukan natin!"
"Nakooo nako than pag yan mahal kukutusan talaga kita hanggang sa mapanot ka"
"Promise mura lang 10 pesos tapos malaki!" I faked laugh para di nya mahalata na may tinatago ako sakanya
"Hay nakooo sige na nga"
Habang palabas kami ng gate ng university ay may lumapit kay tine, "Hi ate tine, diba po ikaw yung Ms.Highschool?" Tanong ng bata na siguro nasa Grade 7 palang ito
"Yes po, Why?" Nakangiting tanong pabalik naman ni thine
Bakit kayo biglang natanong nitong batang ito, Naks angayuma ba sya nitong tine na to! makahanap nga din pra may lumapit din saaking mga Grade 7 HAHAHAHAH
"Diba ate boyfriend mo si kuya luke? Yung sikat na varsity? Nagbreak na kayo ate?" Sunod sunod na tanong ng bata
Bigla akong sumabat sa usapan nila "nako bata kung iniisip mo na papatulan ka ni luke, siguraduhin mong maayos plano mo para makawala na sa gayumang ginamit ni tine HAHAHAHAHA" at pag katapos ko non sabihin ay agad naman ako nakaramdam ng malakas na batok
"Walang hiya ka talaga than!, Pero hindi eh, di pa kami break ni luke, Why?"
"Kasi po kanina, di naman po sa nangingialam kami pero kasi po nakita po namin kanina sa may gym po kasama si ate kelsey, yung leader po sa dance troupe naghahalikan po sila" Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni tine ngayon pero kahit nasasaktan sya nakuha nya paring ngumiti, "Ah ganon ba? Sige kakausapin ko nalang si luke mamaya. Thank you ha? What's your name pala?"
"Amanda po, Mandy for short" ngiting ngiti na pagkasabi ng bata
"Ah sige Mandy, mauna na kami ha may pupuntahan pa kasi kami netong kasama ko"
"Sige po, Bye ate cristine, Bye kuya ethan" kinawayan namin siya at nang makarating kami kung saan namin iscan ang i.d. Namin para maka pagpadala ng information sa office na lumabas na kami sa school ay kitang kita ko ang lungkot sa mata ni tine "Tine! Kita mo yun kilala ako ni mandy, siguro may mga nagkakagusto saakin na grade 7 HAHAAHAHAH" At dahil doon ay nagawa kong patawanin si tine, Ang sarap sa tenga pakinggan ng tawa nya
"Nako Ethan Nathaniel Go, tigil tigilan mo yan PEDO! HAHAHAHAHAH"
"Ay tine wag nalang tayo pumunta sa plaza, doon nalang tayo sa gmm( grand master mall; mall na malapit sa school nila) tutal 10 minutes nandon na agad tayo tapos laro tayo sa fun nation, ano game?"
"Sige, tignan mo kung pano kita durugin sa tekken HAHAHAH"
At sa pagakyat namin sa second floor ng mall ay nakita namin si luke na kasama si kelsey sa loob ng cafe, kakadiri sila sweet sweet di nila alam mga mukha naman silang paa, " Sabi sayo tine dapat nag elevator nalang tayo eh para sa 3rd floor agad"
"Nako than, Napaka tamad mo okay na to atleast makakabili ako ng Mango Tango, sayang gusto ko pa naman ng Brown sugar pearl milktea kaso wag nalang"
"Tine alam kong alam mo na nandoon si luke and kelsey, so what? Kung nandon sila, tara bibili kita ng gusto mo ako ng manglilibre sayo"
"Ang bait naman ng bestfriend ko" Sabay gulo nya sa buhok ko

Pagpasok namin sa cafe ay agad napatayo si luke ng makita na pumasok kaming dalawa ni tine.

"Cristine Babe, What are you doing here?" Nagugulantang tanong ni luke kay tine
"Bakit? Sainyo ba to? Di naman diba, and wag mo na akong matawag tawag na babe break na tayo, you cheating bastard" Alam kong mataray level na yun ni tine pero bakit kalmado sya sa lagay na yun at kung sasabihin ko sainyo na napakabait ni tine ay totoo yun kaya nakakatakot magalit yan

Itutuloy.......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling GabiWhere stories live. Discover now