✿ A Million Heartaches ✿

26 3 15
                                    


"A MILLION HEARTACHES"

[ Min Yoongi X Son Seungwan ]

"Masyado ba akong naniwala sa iyong pinangako na minahal kita higit pa sa sarili ko?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Masyado ba akong naniwala sa iyong pinangako na minahal kita higit pa sa sarili ko?"



Son Wendy's POV

Masasaya silang nag-uusap at nagtatawanan, nagkwekwentuhan sa bawat alaala namin nung highschool.

Ganito ba talaga kapag a-attend ng reunion?

Required ba yung may baon kang kwento?

Paano kung may mga alaala na ayaw ng balikan?

Inisip ko nalang na kung mananahimik ako ay hindi nila ako mapapansin, makikitawa nalang ako at makikigatong sa mga asaran ng dating tropa. Wala namang mawawala kung mas pipiliin ko nalang maging pipi sa mga kaganapan ng nakaraan, besides, hindi naman na talaga dapat pang balikan ang lahat.

"E ikaw, wendy?" At talagang napansin pa nila ko kahit kakahigop ko palang ng inumin ko. Tinignan ko naman sila ng may pagtataka at binigyan naman ako ng taray look ng beki kong bestfriend noon.

"ano yun?"

"Tawa nalang ambag mo teh? Kamusta na pala yung mga nireto ko sayong fafa? Nako, sinasabi ko sayo nakakalima ka na saking bakla ka ha." Sunod-sunod nitong tanong sakin kaya naman napalunok na lamang ako dahil sa kaba.

Isasagot ko ba yung totoo na walang ni isa ang naging successful sa mga date na yun? O magsisinungaling nalang ako para hindi na siya magbigay ulit ng panibagong sakit sa ulo?

Tinignan ko siya at nginitian ng pilit pero bago ko pa man buksan ang bibig ko ay nagsalita na siyang muli na halatang badtrip.

"Nako, sinasabi ko na nga ba kaya hindi dumating si Lance." Ang tinutukoy niyang lalaki ay yung huling nireto niya sakin na maka-date. Classmate rin namin 'to dati nung highschool kaso hindi nga raw ito makakarating ngayon sa reunion sa dahilan na hindi ako sigurado kung ako nga ang dahilan.

"Bakit parang kasalanan ko?" Sabi ko sa kanila na parang familiar kasi galing sa famous line ni Bea Alonzo as Bobby sa Four sisters and a wedding. Binigyan nalang nila ako ng tingin na alam ko na ang ibig sabihin at mukhang hindi ko magugustuhan ang takbo nitong reunion.





1st Date:

Yung mukha ko magsimula palang sa pag-upo ko ay yung tipong pilit na magreact, para bang ikakamatay ko kapag nag-effort akong banatin ang balat ko sa mukha kahit sa simpleng ngiti.

"Sorry, mukhang pagod ka na ata." Sabi nito sakin habang inaayos niya yung buhok niya na kanina pa sumasawsaw sa inumin niya. Oo, long hair si kuya.

Wala naman ako problema sa mahahaba ang buhok na lalaki kaso big deal sakin ang hygiene. Bukod sa sapilitan na pagpunta ko dito ay kanina pa rin ako uncomfortable sa pag-aayos niya ng buhok niya, kanina pa ata siya hindi nakakaramdam na yung buhok niya ay basa na ng kape. Iniisip kong mabuti kung paano magfofocus sa mga sinasabi niya kung distracted ako sa pagsawsaw ng buhok niya.

PAMALSINTÁ || A collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon