Glaiza's
"Who the fuck did this?!" Sigaw ni chynnaPagkapasok na pagkapasok 'ko palang ng univ ay may tubig na bumuhos sa akin mula sa taas na halos mabasa lahat ng saplot 'ko
Nauna akong pumasok sa univ dahil hirap na hirap sila chynna makahanap ng mapa-park-an
At nung dumating sila ay gulat na gulat sila sa itsura 'ko
Napakuyom lamang ako ng kamao at nilibot ang aking paningin
At napatiim bagang ako ng makita 'ko ang babaeng nagsira ng araw 'ko kahapon at tawa ito ng tawa
May pakiramdam ako na s'ya ang may gawa nito
Ngunit imbis na mainis ako ay napatitig lamang ako sa kan'ya habang pinapagmasdan s'ya na tumatawa
Fuck. Ang ganda
"Iza. Are you ok?" Tanong ni katrina na nagpabalik sa ulirat 'ko
Lumingon ako sa kanila at halata sa kanila na galit na galit sila
I just nodded and started to walk forward
Lumingon akong muli don sa babaeng nagpapabaliw ng tibok ng puso 'ko
Nakataas lamang ang kilay nito sa akin
I smiled at her before going to the restroom and change my clothes
Buti nalang at lagi akong may extrang damit sa bag
Nagpalit lang ako ng pang itaas dahil hindi naman gaanong basa ang pang ibaba 'ko
Isang tshirt na hapit na hapit sa katawan 'ko ang sinuot 'ko
May ibubuga naman ang hinaharap 'ko kaya hindi nakakahiyang magsuot ng ganto
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng banyo
Dumetso na ako sa room namin na parang walang nangyare
Napapansin 'kong pinagtitingan ako ng lahat at nilalait but as usual hindi 'ko sila pinapansin at dere-deretso lamang papunta sa aking upuan
Ngunit pagkaupo na pagkaupo 'ko ay may biglang sumabog na harina dahilan para maubo ubo ako at kumalat ang harina sa buong katawan 'ko
Napuno ng tawanan ang buong silid aralan
Napapikit ako ng mariin at tinignan ang may salarin nito
Nakita 'ko s'yang naka ngisi lamang sa akin
Tumayo ako ng maharan at dere-deretsong lumabas ng aming silid aralan
Wala lang din ako mapapala kung papatulan 'ko s'ya
"Iza! Are you ok?" Nagaalalang tanong nila katrina ng makita nila ako sa hallway na naglalakad at ganto itsura
"Bakit hindi mo pinatulan?" Tanong ni chynna
"Masasayang lang oras 'ko sa kan'ya. Hindi s'ya ang misyon 'ko dito kaya ayoko nalang s'yang pansinin at pagaksayahan ng oras" walang gana 'kong sagot at pumasok sa kotse 'ko
Sumunod naman sila gamit ang mga kotse nila
Dumeretso lamang ako sa condo 'ko
Inis na inis na ako pero tuwing naalala 'ko ang kan'yang magagandang mata at magagandang tinig ay nawawala ang aking pagkainis
Huminga akong malalim
Fuck. What is happening to me
----------