AKUMA P R O L O G U E

140 3 2
                                    

AKUMA P R O L O G U E

11:30 PM

Tumigil sa paglalakad papasok ng mansyon ang isang negosyanteng babae nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa kanyang bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunut-noo siya dahil numero lang ang nakarehistro sa kanyang cellphone. Kahit nagtataka siya kung sino ito ay sinagot niya pa rin ang tawag.

“Who’s this?” bungad niya.

“Hello, Mrs. Nancy Cruz.” Sagot ng tao sa kabilang linya. Kumunut-noo sa inis ang babae nang makilala niya ang may-ari ng boses.

“I don’t want to waste my time with you, Sherlie. So, bye—”

 

“Oh don’t worry. Hindi na kita kukulitin na ibigay sa’kin ang parte ko ‘don sa ilegal nating negosyo.” saad niya at parang may halong pang-aasar ang boses nito.

 

“Kung ga’non, bakit ka tumawag?” galit na tanong ni Nancy.

“Well, gusto ko lang naman marinig ang boses mo bago ka...” pagpuputol ni Sherlie sa kanyang sinasabi. Bigla namang nakaramdam ng kaba si Nancy sa ‘di malamang dahilan.

“What? You know, nasasayang ang oras ko sa walang-kuwentang katulad mo, Sherlie. So cut the crap.”

 

Lalong kumunot ang noo ni Nancy nang marinig niyang tumawa ang nasa kabilang linya na si Sherlie. Sa sobrang inis ay pinatay niya ang tawag. Nagpatuloy na siya sa pagpasok sa kanyang mansyon at dumiretso sa kuwarto ng mga anak upang silipin na ngayon ay mahimbing na natutulog. Isa-isa niyang hinalikan sa noo ang tatlong anak bago nagtungo sa kanyang kuwarto.

Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto, hindi na siya nag-abalang sindihin ang ilaw, kun’di ang Lampshade na lang. Napahinto sa pagtatanggal ng sapatos si Nancy nang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi ‘to tawag, kun’di text. Tiningnan niya ito at muli ay kumunot ang noo niya sa galit. Si Sherlie na naman. Pero nagtaka siya nang hindi text ang ipinadala nito, kun’di isang Voice Message. Pinindot niya ‘to saka pinakinggan.

“Hi, Nancy. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ka... bago ka burahin sa mundong ‘to. MWAHAHAHAHAHAHA! MAMAMATAY KA NA, NANCY! MAMAMATAY KA NA! MWAHAHAHAHA!”

 

Bigla niyang nabitawan ang kanyang cellphone dahil sa mga narinig atsaka natulala. Ayaw niyang maniwala sa mga sinabi ni Sherlie pero ‘di niya maintindihan kung ba’t pinagpapawisan at nanginginig siya ngayon.

“No.. No.. That’s not true. THAT’S NOT—”

 

Parang na-estatwa si Nancy sa kanyang kinatatayuan nang may isang kamay ang pumalibot sa kanyang leeg mula sa kanyang likod. Parang umurong din ang dila nito dahil hindi niya magawang sumigaw.

“Target, detected. Next—”

 

“S-S-Sino k-k-ka?”

“Kill.”

 

“A-Anong—”

 

“Done.”

A K U M ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon