ZEPHYRUS II

10 4 0
                                    

Ali's POV

Last day na ngayon ng exam and I only have one subject left. Maaga akong nagprepare para makapag review.  3:00 pm pa naman ang exam schedule so I decided to have a coffee.

The Hilltop Cafe is just 10mins walk from the campus. Sa ibaba pa lng nang cafe ay langhap ko na ang matamis na amoy ng kape.

Naghanap ako  ng table, pinili ko ulit ang pwesto kung saan ako kadalasang nakapwesto.

I ordered a cup of coffee and suman. It's a perfect pair that you must try. Bago ko pa simulang buksan ang laptop kong dala ay may nagsalita na sa harap.

"Hi, hope you won't mind if I occupy the space here. Wala na kasing available" Sabi nya.

I remember this guy. Yung sa library nung nakaraan. I just smiled as a recognition. Binaling ko na lamang ang tingin sa laptop at hinanap ang file ng mga lessons namin sa Geography.

The first hour remain silent between the two of us. Di ko namalayan ang oras, as I focused too much sa pagrereview. Akala ko umalis na sya. Ngunit nung pasimple kong tiningnan, naka tungo pala ung ulo. Mukhang tulog.

Nice. Sleeping inside a cafe. I should try this some other time. Lol

Hinayaan ko na lng at niligpit ang mga gamit. Nakaramdam siguro kaya nagising.

"Tapos kana?" Paos ang boses nyang tanong while showing his boyish  smile at me.

"Yeah, babalik nako sa campus. 30 mins na lang exam ko na" sagot ko sa kanya at sinukbit na ang shoulder bag.

"Life is more fun if you'll let the wind blow you"
He nonchalantly said and turned his back leaving me clueless.

Di ko na lamang pinansin. Mukhang obsesses sa hangin.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang 3rd floor ng building.

I am 15 mins early kaya naka hanap ako ng pwesto malapit sa bintana kung saan kita ang  buong field. May mga naglalaro ng soccer, some are group of students laughing and some were alone with their headphones.

But what caught my attention is the wind guy. Leaning below on the mahogany tree with close eyes. Tila ninanamnam ang presko ng hangin.

Naputol ang aking pagninilay ng marinig kong pumasok ang proctor. The exam went well. I answered most of the questions easily.

***
Matapos ang exam ay umuwi agad ako upang makapagpahinga. Sinalubong ako ng ng amoy ng inihaw. Dumiretso ako sa kusina para makiusisa.

"Inihaw na Bangus ma?" Sabay bukas ng ref at kumuha ng tubig.

"Oo, gusto mong kumain ng kanin?" Tanong ni mama. Paborito ko ang inihaw na bangus kaya di nako nag bihis at kumain agad.

"Si papa po?" Tanong ko sa kanya.
"nasa farm kasama ang kuya Mo" sagot ni mama. Mabilis lng din akong kumain kaya umakyat na ako at nagpaalam kay mama.

Dalawang linggo kaming walang pasok. Kinaugalian ko na tuwing bakasyon ang tumulong sa farm. Madalas akong nasa rancho ng kabayo, Kaya ngayong bakasyon yun din siguro ang gagawin ko.

Kinaumagaha'y maaga pa akong gumising at naligo. Dumiretso ako sa kusina upang mag Handa ng ulmusal. Mas maaga pala sila Papa at kuya jepoy umalis.
Pagkatapos kumain ay dumiretso din agad ako sa farm.

Gamit ang old wrangler ni papa ay narating ko ang rancho. Paikot ikot ako sa rancho upang maghanap Kung saan pwedeng magpark. Nang matanaw ko ang dulo ng racho ay napagpasyahan kong doon na lamang mag park.

Kakababa ko pa lamang ng Jeep ay tanaw ko na si Kuya Andoy na nagpapakain ng puting kabayo.

"GoodMorning kuya andoy" I greet him nang makalapit ako sa kanya. Si Kuya Andoy ay matagal ng nagbabantay ng mga kabayo dito.
"Aba, ali tamang tama at nandito ka. Nang makilala mo naman ang bagong tauhan ng papa mo" nakangising Saad ni kuya.

"May bagong magbabantay dito kuya?" Takang tanong ko.

"Oo, nadagdagan ng tatlong kabayo kaya Hindi ko kakayanin kung ako lng mag Isa" Sabi nya.

"Ah sige kuya. Pupuntahan ko muna sa kabila sina papa. Babalik nalang ako  mamaya ako na magpapakain sa ibang kabayo" paalam ko at tumungo sa dala kong jeep.

Sa Kabila ng racho naman ang poultry at iba pang mga alagang hayop.
Nang makarating ay tanaw ko agad si Kuya na nagkakape sa kubo. Mukhang wala masyadong gagawin dito dahil marami ang trabahador ngayon kumpara noong summer. Lumapit  naman ako kay kuya jepoy , malayo pa lang ay nakangisi na ito.

"Anong masamang hangin ang umihip sayo at napadpad ka dito?" Parang tangang tanong ni kuya.

"Boring sa bahay, Pero parang mas wala namang gagawin dito" reklamo ko ng makitang tahimik ang buong farm. Narinig ko ang Mahinang tawa ni kuya kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

"Tara punta tayo sa poultry, may bagong trabahador baka naman magkaroon na ng Friend ang vocabulary mo" Sabi ni kuya sabay akbay sakin. Pilit ko namang tinatanggal ang braso nya dahil napakabigat ngunit mas diniin nya pa lalo. Napaka demonyo ng ugali. Tss

Bangayan lang kami hanggang marating namin ang poultry. Nadatnan namin ang dalawang trabahador na nangkokolekta ng mga itlog. Binaling ko ang atensyon sa lalaking kausap ni papa. Nakatalikod ito mula sa pwesto ko. Parang pamilyar ang hulma ng katawan. Pati ang clean cut nitong buhok. Parang may kung anong paru-paru ang lumilipad sa tyan ko. Baka gutom lang. Ngunit mas lalong naging agresibo ang nararamdaman ko ng bumaling ito sa direksyon ko.

Shock was written all over my face. Anong ginagawa nya dito? Don't tell me sya ang Pero impossible. Winaksi ko ang isiping sya ang bagong trabahador ni papa dahil hindi naman halata sa kanya.

"Ali anak, this is Zephyrus. He decided to appy his internship here in our farm." Pakilala ni papa

I don't know how to react when he offered his hand for a shake. I almost flinch when our skin touched. I don't know why but it feels like ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa ugat ko.

"Alizee" pakilala ko sabay iwas ng tingin

"Yeah I know you Ali right? Remember me?" He asked while smiling. Sasagot na sana ako when kuya jepoy interrupted.

"Ali balik muna ko sa kubo" Sabi Ni kuya at tumalikod agad.
"Mabuti at magkakilala kayo. same University lng naman-- excuse me" di na  natapos Ni papa ang sasabihin nya ng may tumawag sa kanya.

Naiwan kami ni Zephyrus sa bench. Nakakabingi ang katahimikan kaya binasag ko na lamang.

"Zephyrus pala name mo" Walang emosyong tanong ko

"Yep. Call me Zephyr" he answered. "I am in my 4th yr in Agriculture and  dito na ako nag apply. Your dad is so kind huh" he continued.

"Well yeah" Walang ganang sagot ko.  Akmang tatayo na upang sundan si kuya ng marinig ko syang nagsalita

"Sometimes when the wind changes, thats when we find our right direction." He said

I looked at him confusedly. Instead of giving me some clear explanations he just flashed his wide grin. Signature grin huh?

Chasing ZephyrusWhere stories live. Discover now