Pinky’s POV
“Break Na Tayo!”
Heto ako ngayon… basang basa sa ulan. Joke lang. (A/N: nakatrip ako sorry…haha) Nasa kwarto ako at nakahiga dahil sobra akong nadepress sa pakikipagbreak ko sa ex kong si Yael, broken hearted ako ngayon at naisipan kong makipagtext sa mga kaibigan ko para kahit papaano ay mawala depression ko. Nag group message ako and may mga nagreply, isa si Jean sa mga iyon. Lumipas ang ilang araw magmula nang makatext ko siya ay nagging close friends kaming dalawa. Isang araw, habang magkatext kami ay may naalala siyang sabihin sakin.
From: Jean
Sis, ipapakilala ko pala sayo ‘yong kaibigan kong si Bokz.
To: Jean
Sinong Bokz naman iyan sis?
Itinanong ko sa kanya at nagkwento naman siya about sa kaibigan niya at simula ‘non ay everytime na niyang minemention ang name ng kaibigan niya. Honestly, hindi ko pinapansin iyon kasi hindi ba kagagaling ko lang sa hiwalayan? And I promise to myself that I won’t let myself fall for someone that fast at binalak kong tumigil sa pagiging fangirl. So kahit ano pa ikwento sa akin ni Jean ay hindi ko na lang pinapansin.
Lumipas ang ilang buwan ay lalo pa kaming naging close ni Jean, at sa nagdaang buwan ay naibabanggit niya pa yung Bokz. Nakakaloka, pero dahil sa kaibigan ko siya, hinahayaan ko siyang magkwento. Hindi naman ako mean para bastusin si Jean pag nagkukwento siya and besides, kaibigan ko siya no.
December 20**, Sis Jean text me that she's going to a mall show of her friend's cousin named DJ and this time pupunta din daw si Bokz para manood. Jean also told me na ayaw niya na magkita sila kasi kasama niya ang kapatid niya sa mall show. At ako naman, heto nacurious na at sa nagdaang 6 months ay naisipan kong tingnan ang itsura ni Bokz sa facebook.
*Facebook*
Search....
Search....
Search....
Hating gabi na nung makita ko ang account niya, nang iaadd ko na siya, may nagpop out na message galing sa FB na he already reach his limit. So what I did is...
*Message*
"Hi, pwede pa add ako. Please"
*Send*
Ilang minuto din hinintay ko, and he response to my message. Hindi naman ako kinilig na parang sa ex Idol ko or what kasi curious lang talaga ako dito kay Bokz, pero i"m happy hindi siya snobber.
One New Friend Request
Emman Ciocon
*Accept*
Simula ng gabing iyon ay lagi ko nang nakakachat itong si Bokz, minsan nakakachat ko siya every other day. Masaya naman siyang kachat eh. Minsan nga, naisip ko nga na magtry gumawa ng autograph para sa kanya, 'yon bang ginagawa ng mga bata na pinapasagot nila sa mga kaibigan nila. Sinimulan ko na siyang tanungin ng mga bagay bagay tungkol sa kanya.
Me: Bokz, tanungin kita no?
Bokz: Sure :)
Me: don't worry hindi ka naman mahihirapan sa mga itatanong ko sayo. :)
Bokz: okay. :)
Then, iniisa isa ko mga tanong ko sa kanya, first yung basic information about him. sinagot naman niya iyon na maayos, tapos tinanong ko din siya about kung ano ba likes and dislikes niya, at eto kachat ko pa rin siya. I can say makwento itong si Bokz, daming alam eh. Hahaha. Nagtanong din ako sa kanya about his favorites.
Me: Eh Bokz, ano naman favorite mong food?
Bokz: Hmm.. gusto ko? Siomai at Barbeque... sarap 'non...
Me: Hahaha... oo nga, masarap nga yung mga iyon. Akalain mo pareho ng favorite food. ^_^
Bokz: Naks naman... hahaha
Me: Hmm... ano naman favortie color mo?
Bokz: dalawa din favorite color ko, pink and black. :D
Me: Wow. pareho na naman tayo pero may isa pa akong favorite color. :P
At tuloy tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Dumaan ang ilang months at lagi ko pa rin siya nakakachat, nakakatuwa at kaibigan ko ang isang Emman Ciocon. Ang mga kaibigan ko naman, lagi nila akong tinutukso sa kanya, ewan ko ba sa kanila bakit pinagpapares kaming dalawa. Hahaha.
Pero sa tagal naming magkachat, ni minsan wala akong naramdaman sa kanya, well for me kasi kaibigan ko siya, at 'yon lang 'yon. Ngayon ay October na, nagbukas ako ng facebook at binuksan ko yung chatbox namin ni Bokz. Nagreminisce ako at binasa ko ulit yung mga usapan namin ni Bokz,
Hanggang ngayon wala pa din ako nararamdaman for him, wala namang mali sa kanya, he's handsome, kind, gentleman and generous person pero bakit nga ba wala ako maramdaman sa kanya. Maybe tama mga kaibigan ko na manhater ako. Habang binabasa ko mga messages naming dalawa, natatawa na naiiyak ako and at the same time medyo inis pa din ako kasi naman, malapit na kaming mag one year na magkakilala at magkaibigan pero still, wala pa din ako nararamdaman sa kanya.
Siguro manhid nga ang baby heart ko at siguro nga tama ang isa sa mga matalik kong kaibigan na si Connieli Rose na ayoko pa rin sa mga lalaki, baka malamang dahil sa nangyari sa akin. *sigh* grabe kailan ka ba titibok ulit aking baby heart?
Pero masaya ako kasi nakilala ko si Bokz, isa sa mga dahilan bakit ako masayang nakilala siya ay noong binati niya ako ng advance noong birthday ko at nung birthday naman niya ay binati ko rin siya kaso nakakatawa lang kasi kung siya advance naggreet sa akin, ako naman late na. Nakalimutan ko kasi yung araw ng birthday niya kaya ganon, nahiya naman ako kasi naman sa commentbox pa naman iyon.
*Comment Box*
Me: Bokz, Happy Birthday. ^_^
Bokz: Thank You kahit late na pagbati mo. :D
Me: Hah? Hala, tapos na birthday mo? >_
Bokz: Haha. Oo, pero okay lang. Atleast bumati ka pa din
Me: >_
Ganon pa man ay masaya pa rin ako at kung hindi siguro kay sis Jean, hindi ko makikilala si Bokz na super bait at super makwentong tao. Sa ngayon, masaya ako sa relationship namin as friends. Hindi naman ako nagmamadali, dahil kung mamahalin ko sya, alam kong may time para doon. Pero sa ngayon I'm contented and happy.
The End
(A/N: Waaah.. Finally natapos ko din ito, pasensya na kung hindi ko agad ito naipost. Hope you like this. ^______^)
This One Shot will become a story soon...hope who read this will wait for its story..the story will be more romantic and sensible..^_^