"Cousin," may malapit ba'ng mall dito?" tanong ko sa pinsan kong si Allyson.
Isang araw na kami dito sa Pilipinas dahil ikakasal ang nag-iisa kong Pinsan. Wala na kasi siyang magulang at si Mommy at Daddy ang maghahatid sa kanya sa altar. Siyempre abay rin ako sa kasal niya.
Ipinatong ni Allyson ang unan sa kama nilagyan kasi niya ito ng bagong punda. "Meron," sagot niya.
"Gusto ko pumunta ng mall."
"Samahan na kita, cous." sabi ni Allyson. Umiling ako.
"No need, bawal daw umalis kapag ikakasal na, just stay here ako na lang ang pupunta sa mall."
"Okay, papahatid na lang kita sa driver nila Frits."
"Thanks!"
"Umuwi ka agad kasi mamaya nandito na ang mga kaibigan ko gusto kong makilala mo sila."
Tumango ako. "Sure."
Hinatid ako ng driver ng mapapangasawa ni Allyson. Bago ako umuwi tatawagan ko na lang siya para masundo niya ako.
Nag-ikot-ikot sa isang mall sa Manila. Hindi pa ako gaanong nag-e-enjoy sa pag-ikot-ikot ko nang bigla akong nabangga ng isang lalaki.
"Araay koo! Ang sakit ng pwet ko!" sabi ko, habang ang camera ko ay tumalsik malayo sa'kin.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" sigaw sa'kin ng isang matangkad na lalaki.
Imbes na kiligin ako dahil guwapo siya, naasar ako sa gaspang ng ugali niya. Inis akong tumayo at kinuha ang camera ko pagkatapos lumapit ako sa kanya at walang pakundangan ko siyang sinampal. "Iyan ang bagay sa'yo."
Tapos mabilis akong naglakad palayo akala ko hindi niya ako susundan pero nagulat na lang ako ng biglang may humila sa'kin, sa sobrang pagka-gulat ko napasubsob ako sa matipuno niyang dibdib.
"Bigla mo naman akong iniwanan my loves." sinigaw pa niya ang pagkakasabi sa'kin ng—my loves, upang marinig ng mga taong dumadaan at napapatingin sa'min.
"Ano'ng my loves? Let me go!"
Pero mas hinigpitan n'ya ang pagkakahawak n'ya sa'kin. Nag-pumiglas ako kaya naman nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
Ang hayup na stranger, ninakaw ang first kiss ko.
"Woah! Sweet kiss galing kay Lady in Pink, thank you," sabay talikod niya sa'kin.
Gigil na gigil akong nakatanaw sa kanya. Binuksan ko ang camera ko at tinutok ko sa kanya.
"Mr. Pogi!" sigaw ko.
Sinadya kong tawagin siyang Mr. Pogi upang lumingon siya sa'kin. Hindi naman ako nagsisi dahil lumingon siya, at nakuhanan ko siya ng litrato ng dalawang beses.
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha mo ngayon," bulong ko.
Muli siyang lumapit sa'kin na nakangisi. "Why? crush mo 'ko?"
Lumapit ako sa kanya at nagpa-cute. "Nabitin ako sa halik na binigay mo sa'kin, pwede ba'ng isa pa? promise, gagalingan ko." sinadya kong landiin ang boses ko para maniwala siya sa'kin.
"Sure, a-arte pa kanina gusto mo rin pala."
Yan ang akala mong hudas ka!
Lumapit siya sa'kin na halos isang dipa na lang ang layo naming dalawa. sinadya kong itapat ang isa kong tuhod sa gitna ng pagkalalaki niya. Bago pa niya mahawakan ang chin ko, buong lakas ko siyang tinuhod sa balls niya.
"Ouch!" Sigaw niya, habang namilipit siya sa sakit.
Dahil sa lakas ng sigaw niya natuon sa'min ang atensiyon ng mga dumadaan na tao.
"Buti 'yan sa'yo manyakis!" sabay talikod ko.
Anong akala niya dahil guwapo siya, laging may free kiss na? duh! sa ganda kong ito hahabol ako sa kanya. Umasa siya.