Mas una kong nakilala 'yung tinatawag mong insan
Maputi, singkit at medyo manipis ang pangangatawan.
Siya ang una kong naging kaphone-pal
Hindi nagtagal sa iyo pala mapapamahal.
Sa loob ng bus ikaw ay nakasama,
Pagkakaibigan nati'y doon pala magsisimula.
Simula noon hindi lilipas ang maghapon na wala kang tawag,
Kaya naman hindi naglaon "BABY Q" sa iyo ang naging bansag.
Ilang araw at gabi pa ang lumipas,
Pintig ng puso ko'y lalo pang lumakas.
Ano nga ba ang dahilan at ikaw'y magustuhan
Nitong munting puso na hindi naman tinuruan.
Hindi maiwasan kung minsan ay naguguluhan
Sa mga pagtatalong ni hindi alam ang dahilan.
Salamat dahil lagi kang nariyan,
Hindi mo magawang maiinis sa aking kakulitan.
Ilang linggo't buwan pa ang lumipas,
Pagmamahal ko sa iyo ay lalo pang naging wagas.
Lalo't nang sinabi mong ako sa iyo ay ESPESYAL.
kaya sarili kaagad na tinanong kung ito ba'y pagmamahal.
Ako sa iyo ay ESPESYAL,
Salitang sa puso ko'y ikinintal.
Ako sa iyo ay ESPESYAL,
Tuluyan na nga't sa'yo ako'y napamahal.
Ako sa iyo ay ESPESYAL,
Dahil ako sa'yo ay tunay na nagmamahal.
Ako sa iyo ay ESPESYAL... ayaw mo akong masaktan
Ayaw mo akong masaktan dahil sa'yo ako ay ESPESYAL... na KAIBIGAN!
BINABASA MO ANG
Special Friend Lang Pala
PoetryKapag in-love ka asahan mo makagagawa ka ng isang bagay na hindi mo naman kinasanayan.