Prolouge

3 0 0
                                    

Prolouge

"What's your order ma’am?" Tanong ko sa customer ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Oo, sa edad na 17, namulat na ako sa ganitong bagay. Tinuruan din kasi ako ni mama na kapag may gusto akong bilhin, pagsisikapan ko iyon hanggang sa makuha ko iyon.

Lagi kong dala dala ang mga paalala saakin ni mama. Hinding hindi ko iyon malilimutan.

Close na close ako sa mama ko dahil kaming dalawa lang ang magkasama. Sa totoo nga ay ayaw ko nang makita pa ang papa ko dahil sa ginawa nya kay mama. Masyadong nasaktan si mama sakanya.

Kaya ngayong wala na si mama, sasanayin ko na ang sarili ko na mamuhay sa paraang ito.

"Buti naman at tapos na shift natin, Anitha." Pagod na pagod na sabi ng kaibigan kong si Lalaine.

"Hayaan mo na, buti nga malaki ang kita natin dito, Laine. Hindi sayang ang pagod natin." Nagbihis na kami ni Lalaine at naghanda para sa pag uwi namin. Magkasama kasi kami sa apartment dahil tulad ko, wala naring pamilya si Laine. May kaibigan din ako sa school, si Non.

Maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ni Laine.

"Naku, mukang hindi ako sa apartment makakauwi ngayon, Anitha" Taka akong tumingin sakanya. Alam ko na ang dahilan.

"Nagtext jowa mo no? hay naku! okay lang sakin, Para naman makapagbonding kayo, naging busy kadin kasi nitong mga nakaraang araw." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Thank you talaga ng marami Anitha! huhu napakabait mo talaga!" Sabi nya saka nagpaalam na. "Ilock mo nang maigi ang apartment pag matutulog ka na ah, mag ingat ka dun."

"Oo sige na sige na, ingat ka papunta don, bye!" Pumara sya ng tricycle saka kumaway kaway saakin.

Nang hindi ko na makita ang tricycle na sinasakyan ni Laine ay umalis narin ako. Pagkauwi sa bahay ay tanging delata lang ang ulam ko. Nagtitipid rin kasi kami ni Laine para sa mga gastusin ay bayarin namin.

Pilit akong kinukuha ni papa pero ayoko, lalo na't andon ang bwisit na step mother ko at impaktita kong kapatid.

'Wag nalang.. Baka malasin pa ako pag lumipat ako don..'

Atsaka, ayokong umasa lang sakanila, gusto kong maging successful sa sarili kong paraan hindi dahil sa tulong ng iba.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga kasi ang klase ko.

Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako atsaka nagbihis na. Papaalis na ako nang biglang magring ang phone ko.

Nakita kong si Laine iyon kaya sinagot ko agad.

“Nasa school nako!! wait nalang kita here.”

“Sige sige. Pasakay na ako e, tumawag ka pa.”

"Ay, bad mood ka yata bhie?” Natawa nalang ako sa sinabi ni Laine. Pinatay ko na ang tawag saka pumasok na.

Nang makarating na ako sa gate ay naglalakad na ako papasok nang biglang may bumangga sakin.

"Aray ko naman!" Inis na sigaw ko saka pinagpag ang damit ko. Natapunan kasi ako ng kape! Mainit init pa!

"Oh, sorry, i didn't see you.." Inaabutan ako nung lalake ng tissue pero tinapik ko lang ang kamay nya.

"Ako na, ako na! kaya ko na to. Bwisit naman oh." Tinignan naman ng lalake ang damit ko. Nakakairita! Papasok nalang ako magkakaganto pa?!

"It looks messy. Here, i have an extra. You can wear it." Kinuha nya ang bag nya saka binigay saakin ang isang tshirt.

"No need. matutuyo din naman to."

"Just take it, magmamantsa yan sa damit mo." Kinuha ko nalang yung damit nang matahimik na sya. "Uhm, by the way, I'm Dashiel. You are??" Taka akong tumingin sakanya. Tinaasan ko sya ng kilay. "Oh, I'm just asking, why do you need to do that?" Natatawa nyang sabi.

"Sorry pero wala na akong oras makipag usap sayo! bye!" Tumakbo na ako pero narinig ko parin ang sigaw nya.

"Hey! hindi ko pa alam yung pangalan mo!" Itinaas ko nalang ang kamay ko saka ikinaway ito.




Lalaine’s Point of View

Kasama ko si Non ngayon habang hinihintay namin si Anitha! Kanina pa kami naghihintay dito pero wala parin sya. Medyo nag aalala na nga kami.

"Andyan na pala si Anitha.." Mahinang sabi ni Non sa tabi ko. Lalake sya pero sobrang hinhin.

"Ang tagal mo naman?" Salubong ko sakanya. Napansin ko naman ang uniform nya! napakadumi! "Anong nangyare dyan?"

"May nabangga kasi ako.. Tapos natapunan ako ng kape.. Teka, wala pa naman si Ma'am diba? magpapalit muna ako." Tumango lang ako. Mabilis na naglakad paalis si Anitha. Kung natapunan sya ng damit, dapat mainit ang ulo nya ngayon! pero hindi eh, parang may iba..

Hmmmm

^___^


------------------------------------------------------------

Anitha Alarcon and Dashiel Oliveros:

Bleeding TearsWhere stories live. Discover now