Madilim ang paligid at nagkakagulo ang lahat. Hindi malaman ang gagawin. Hindi alam kung ano ang uunahin. Kasalukuyan kasing nagkakalat ang apoy sa magkakasunod na bahay rito sa aming bayan at heto kami ng aking nakababatang kapatid, nananatiling nasa loob ng aming mumunting tahanan.Wala pa ang aming ama habang ang aming mahal na ina naman ay tila nakalimutan na naikandado niya ang pinto ng aming bahay kaya't hanggang ngayon ay hindi namin magawang makalabas ng aking kapatid.
Iyak na sya nang iyak. Takot sa posibleng mangyari. Kinuha ko ang upuan, ayon ang ginamit kong tungtungan para makasilip sa bintana. Halos mawalan pa nga ako ng boses kakasigaw para manghingi ng saklolo ngunit sadyang abala ang lahat kaya walang nakaririnig sa akin.
Maya-maya pa ay nagsimula ng pasukan ng usok ang bawat butas ng aming bahay. Mas lalong natakot ang aking kapatid. Ako naman ay nag-umpisa na ring kabahan. Sa kabila ng lahat, sinubukan ko pa ring tatagan ang aking loob.
Kumuha ako ng panyo. Binasa ko ito at ginawang pantakip sa ilong upang hindi kami mahirapang huminga. Palakas nanh palakas ang hikbi ng aking kapatid. Palakas din nang palakas ang tibok ng aking dibdib.
Habang tumatagal ay pakapal na ng pakapal ang usok. Wala pa ring dumarating na tulong. Nag-uumpisa na akong mawalan ng pag-asa. Sinabayan ko na ang pag-iyak ng aking kapatid. Hinahantay ko na lang din na tuluyang kainin ng apoy ang aming bahay kasama kaming dalawa.
Kaunti nalang ang oras, tinignan ko ang makapal na kahoy na nagsisilbing bubong namin noon. Panipis ito nang panipis dahil sa apoy na kumakain dito.
Napapikit ako nang biglang bumagsak sa amin ang kahoy na may apoy. Hinantay ko ang sakit sa aking katawan ngunit wala akong maramdaman. Maya-maya ay narinig ko na ang malakas na wang wang galing sa paparating na ambulansya. Nagkaroon muli ako ng pag-asa. Kasabay ng malakas na tunog ng ambulansya ay ang pagyugyog ng aking katawan.
Idinilat ko ang aking mata. Sikat ng araw ang siyang sumalubong saakin. Tinignan ko ang buong paligid. Nakita ko ang aking kapatid na normal at mahimbing na natutulog sa aking tabi.
"Mabuti't gising ka na. Kanina ka pa umiiyak, anak." Ang nagsalita ay ang aking ina.
Sa paligid ko'y walang apoy. Walang usok kundi magandang sikat ng araw.
Umaga na nga. Panibagong araw, panibagong pag-asa.
-MellyElyssa
Photo credits to its owner.
YOU ARE READING
FLASH FICTION
RandomJust a collection of my flash fiction story, if u're bored and trying to find something to read, hope you'll give this a try. Thank you!