ako po ay isang bakla na ngarap na magkaroon ng isang pag ibig. isasalaysay ko po ang pag ibig ko sa aking txtmet na si Mario ng Palompon Leyte.
isang araw taong 2005 ng umaga sa Ormoc City, may isang radio station na pwd kang bumati at maghanap ng txtmet. i ttxt mo lang # mo tapos sila ng bahala mag "bandilyo" hehehe..
sa subrang atat ko na magakaroon ng bf .. sinubukan kung i txt # ko. after one day. may nag txt sakin mario daw name nya taga palompon leyte, 17... ayon pinatulan ko naman txt nya. i sa isip isip ko naman, walang mawawala sakin. mga 3 days nun linigawan nya ako.. hehehe sabe ko sa sarili ko na ito na yun hahaha..
sinagot ko agad si Mario. pero hindi nya alam na Bakla ako..
ang pagkakaalam ni mario na jane gonzales ang totoo kung pangalan. nag sinungaling ako sakanya. dumaan ang ilang buwan ta taon hindi ko paren pinagtapat sakanya na isa akung bakla. sa tuwing tumatawag cya sakin klasm8 ko ang pinapasagot ko.
dumating sa point na gusto ko na magtapat kay mario kasi parang naaawa na ako sakanya.
kapag nag ttxt cya bhe ang tawagan namin. ang sweet sweet namin sa txt.. minsan panga nakikipag SOT cya sakin hahaha.
pero di me pumapayag kasi baka patibong nya lang sakin yun. at pag hinalaan akung bakla...lumipas ang ilang taon. nasa 3rd year college na ako. taong 2008 ng naisipan kung mag stop muna sa pag aaral. dahil sa kawalan ng pera..
nag paalam ako kay mario na hindi muna ako mag aaral. pumayag naman si mario.. sabe ni mario sakin na ano daw plano ko. dahil gusto nya na akung asawahin.. (huhuhuhu)
no comment ako sa txt nya na mag asawa nalang daw kami. kasi nasa tamang edad nadaw kami.
napaiisip nanaman ako ng malalim. parang pinapaasa ko lang si mario sa wala..
simula nun hindi ko na sinasagot mga txt ni mario. para may rason na iwan nya ako.
nagdaan ang ilang buwan. napag pasyahan namin ng lola ko na pumunta ng manila para mag bakasyon taong 2008 sinubukan kung kalimutan si mario. at hindi na nag paparamdam si mario sakin.
namasukan akung waiter sa isang Japanese Restaurant sa Paseo De Magallanes sa Makati. natanggap naman ako kahit college level lang.
lumipas ang 1 taon ko sa trabaho. hindi ko na naiisip si mario. masaya na ako sa buhay ko nun. pero isang araw. may nag txt sakin na hindi ko kilalang #. sabe nya sa txt na. "nasa manila na ako bhe" . nagulat ako at nagtaka kung sino yung nag txt sakin nun. nag reply naman ako ng "Hu u?tapos nag reply cya sakin " bhe ako to si mario" . nung nabasa ko yung txtmsg. nayon parang na baliw ako kakaisip kung bakit nya ako sinundan sa manila..
taong 2009 nag pasya na akung magtapat kay mario na isa akung bakla. pero naawa ako kay mario. baka mag pakamatay ito.
isang araw nag txt si mario sakin.
"bhe gusto na kitang makita." sagot ko naman. "sige bhe met tayo sa Carriedo Simbahan" .pag out ko sa work nun dali dali akung bumili ng Pizza na pasalubong kag Mario.
nag jeep ako pa puntang carriedo.
nag txt si mario. "bhe nasan kana?" sabe ko bhe on my way to carriedo na. sabe nya na dun kami magkita sa Police Station gilid ng simbahan para daw ligtas ako sa mga masasamang loob sa lugar nayon.
after 1 hour sa jeep narating ko ren ang Simbahan ng Carriedo. tumayo ako sa harap ng police station dun. nag txt me kay mario..
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Bakla
Romanceito ay para sa mga bakla na walang ginawa kundi ang humanap ng buking gabi gabi..