Isolated:One Shot
Randel's POV
I'm Randel Sy. Di ako pala kaibigang tao. I don't like having more friends. I'm contended with my best friend. She's Farry Salazar. Ni hindi ko nga lubos maisip kung bakit siya lang ang kaibigan ko. Childhood bestfriend ko siya. I saw her walking alone,so I grabbed the opportunity to be with her and start some convo.
"Hey, did you eat breakfast?"I asked. Wala akong maisip na magandang topic. Kaya yan nalang ang naitanong ko. Tinignan niya naman ako at nginitian. I smiled at her too.
"Y-yeah.. Eh ikaw ba?"tanong niya.
"Actually not yet. Di uso ang breakfast sa akin."then we both laugh for a second.
Di ko namalayang nasa school na pala kami. Sayang nga at hindi kami mag kaklase this school year.
"So.."she said.
"Uh yeah I forgot, sige punta na din ako sa classroom namin."I gave her a sweet smile. She did it too.
Nag simula na akong mag lakad papunta sa classroom. I don't know why they all keep on avoiding me. I didn't do anything's wrong. When I reach my chair, umupo na agad ako dito. Hindi ko alam bakit nag hihighikan silang lahat. Do I have some dirt on my face? Nagulat ako ng bigla may bumuhos na tubig saakin mula sa itaas. Mabuti nalamang at hindi nabasa ang gamit ko. Okay lang toh, tubig lang naman.
"HAHAHAHAHA!!"
"Look he's wet pfft."
"Wahahaha loser."
Nag simula din akong tumawa ng mahina. Hanggang sa lumakas ang tawa ko. 'Bat ko nga ba sila hinahayaan na gawin saakin ito araw araw? Kung hindi juice,soft drinks, tubig naman? Nag sitahimik silang lahat.
"Weirdo.."
"'Bat siya tumatawa? Did he like it?"
Tumigil naman ako sa pag tawa. Nakita kong si Farry ay nasa pinto. Did she saw it? Tinignan ko ang balde at nag isip kung bakit tumapon saakin yun. Yun pala na triggered ng pinto which is binuksan ni Farry. May tali ang pinto na nagkokonekta sa balde ng tubig. Nakita ko namang galit na ang mukha ni Farry.
"Who did this fucking prank?!"sigaw nito.
Mukha tuloy akong prinsepeng pinagtatangol ng prinsesa. She don't have to do this. Dapat ako ang gumagawa noon. Natikhim silang lahat. Bakit mukhang takot sila kay Farry?
"Answer me!"
Tumayo ang kaklase kong lalaki at tinaas ang kanang kamay.
"I did it."
"Follow me."utos ni Farry at lumabas siya. Sinundan naman ito ng kaklase ko.
Inayos ko ang gamit ko tsaka lumabas. Nag tungo ako sa cr, buti pala at may dala akong extra uniform. Nag palit ako at bumalik sa classroom. Nakita ko naman si Farry sa tapat ng entrance door ng classroom.
"Randel, I forgot to give this back to you."she said. Inabot niya sa akin ang jacket ko na kulay puti na nag kulay pink na. "Sorry about that. Sinubukan ko namang tanggalin yung mantsya pero kumalat lang."pagpapaliwanag niya.
"It's fine."I smiled and pat her head.
Noong dinatnan kasi siya ay natagusan siya. Hindi siya makalabas ng cr dahil wala siyang pamalit sa palda niya. Pinahiram ko muna yung jacket ko at pinangtakip niya. Bigla namang nag ring ang bell.
"Bumalik ka na sa classroom mo."utos ko sakaniya.
"Ikaw ang pumasok na sa loob.."
"Aye captain!"sabi ko at nag salute. Parehas naman kaming natawa. Bumalik na ako sa loob ng classroom at laking gulat ko ng pinupunasan ni James,yung kaklase kong nag plano ng prank, ang sahig at upuan ko gamit ang uniform niya. Napanganga naman ako dahil don. Ng matapos siya umupo na ako agad. Ang awkward ng atmosphere dito. Pumasok naman na ang professor namin, pawis na pawis, animoy hinabol ng aso.
"Sorry I'm late class, laganap na ang gangs dito sa school natin. Kaya't nahirapan akong makapasok ng maaga."paumanhin ng prof namin.
Gangs?
Pagkatapos ng klase,nag tungo ako sa cafeteria,I saw Farry may mga kasama siyang schoolmates namin. Binubuhusan niya ng juice si Caty. Kaklase ko siya, at isa din siya sa mga nag side comment kanina.
Sino ka na ba talaga ngayon Farry? Kaya ba ako iniiwasan ng karamihan dahil natatakot sila sayo? Dahil alam nilang kaibigan kita? Kasali ka ba sa mga gangs?
I'm being isolated, because of you.
YOU ARE READING
Isolated (One Shot)
Teen Fictionisolated adjective iso·lat·ed \ˈī-sə-ˌlā-təd also ˈi-\ : separate from others : happening just once : happening in different places and at different times