Matthew's POV
Agad akong nag tago sa likod ng puno at pinagmasdan lang ang bawat galaw ng grupong ito. God damn it! I never expect something like this.
Inilabas ko ang aking cellphone at kinuhanan ng video ang kaganapan sa aking harapan. Kailangan ko agad makuhanan ng maayos ito upang maging ebidensya. I tried to get closer to capture the whole scene. Ngayon ay nasa likod na ako ng mga trashbins.
"Hey ano na?" Nagulat ako sa boses na nanggaling sa aking earbud. It's Davies.
"Shut the fuck up Dave. You startled me." Inis na bulong ko dito.
"Calm down Matt." Pag papahinahon sakin ni Almia.
Habang vinivideohan ko sila ay inilibot ko ang aking paningin. Sakto namang nakita ko si Jerome na nakasunod na sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sakin at agad naman itong kumilos ng dahan dahan. Dala dala nito ang mga armas na pwede naming gamitin mamaya.
"May mga nakuha ka na ba?" Bungad na tanong nito.
I shake my head up and down as a reply.
"Nasaan na ba kasi sila?" I asked him.
"I don't know, huling sagot nila ay pa punta na daw." Sagot ni Jerome.
"Uh gentlemen, we're running out of time. Just a reminder." I heard Almia's voice.
"Dave, may nakikita ka pa bang mga tao sa loob ng building?" Tanong ni Jerome.
Mga nasa sampung kalalakihan kasi ang nasa labas. Hindi namin malaman kung mayroon pa bang nakaabang sa loob. Masyadong delikado kung susugod kami ni Jerome, inaantay pa namin ang backups. Sila Almia naman ang nag aasikaso ng satellite kaya naman na track down namin ang location. Hindi ko din alam kung paanong nakakonekta sila sa satellite. After years? And knowing Dave's behavior? Hindi na ako magugulat kung pati mga buhay ng nasa matataas na ranggo ay alam niya na.
Itong kaso ay isa sa mga malaking case na hinahawakan ni Ate Allison, Drug Trafficking and Drug Manufacturing. Kaya naman hinihintay din naming dumating ang mag p-pick up dito. Speaking of Ate Allison, siguradong sermon nanaman ang aabutin namin dito dahil pinakialaman nanaman namin ang isa sa mga kasong sinusubukan nilang tapusin.
Naalala ko ang mga oras na hawak namin ang mapa pa puntang Hell University. Ang mapang nakuha ni Almia kay Ate Allison. Hindi na kami nag abalang sabihan sila Zein at Ace dahil siguradong hindi sila papayag.
"All clear, and men are out." Sagot ni Davies.
Nagulat naman kami sa pag sulpot ni Vanessa sa aming likuran.
"Hindi hindi.." Hingal na pag sasalungat nito habang naka hawak sa kaniyang dibdib.
"Saan ka ba galing? At bakit hingal na hingal ka?" Tanong ni Jerome sa kaniya sabay hagod sa likod nito.
"Galing ako sa likod ng abandunadong building.." Sagot ni Vanessa.
"May mga van na nakapaligid doon. At may mga tao sa loob ng building." Sagot ni Vanessa.
"Dave sigurado ka bang walang tao sa loob?" Tanong ko sakaniya.
"We fucked up guys." Dave whispered.
"Ha?"
"Disconnected na kami sa satellite. We won't be able to help you out guys." Pag papaliwanag nito.
Itinuon ko naman ang aking mata kay Vanessa.
"Mga ilang tao ang tansya mo na nasa loob?" I asked.