Chapter 1- How they met

888 15 0
                                    


Elijah's P.O.V

Kasalukuyan akong papunta sa napagkasunduan naming meeting place ng mga ka dance troupe ko.

Bata pa lamang kasi ako ay naging hilig ko na ang pagsayaw lalo na't namana ko ito sa yumao kong ama.

Ako nga pala si Elijah Kamelot Flores. 21 years old. Isang tboom. Bata palang din ako alam ko ng lalaki akong ganito dahil sa babae talaga ako kinikilig noon na akala ko ay normal lang. Natanggap naman iyon ng mga magulang ko dahil mahal daw nila ako. Nagiisang anak lamang kasi ako.

Habang naglalakad ay napansin kong may isang babaeng parang naliligaw. Palinga linga kasi ito sa paligid na animo'y parang hindi ito pamilyar sa nakikita. Atsaka ngayon ko lamang ito nakita sa lugar.

Pansin ko din na may maleta itong dalahin. Mukhang balik bayan to ah?

Nakatalikod ito sakin kaya naman nilapitan ko ito. Nang makalapit na ay kinalabit ko ito sa may balikat.

"Miss, Nalilig---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla nalamang ako nitong tinuhod sa may maselang parte ko.

"AAHHH!!!!HMMMP!!!!! HMMP!!!" daing ko sa sobrang sakit ng ginawa nya. Grabe ang sakit!

"Who are you?!!!" Tanong nito sakin na may halong inis.

Ilang segundo din bago ako nakarecover dahil sa pantutuhod nya sa ano ko -__-

"Ano bang problema mo Miss?!! tatanungin lang naman sana kita kung naliligaw kaba. Tutulungan lang naman sana kita. Hindi mo naman kailangan gawin yon!" Inis kong sabi rito.

"It is your fault! You scared me! and I don't need your help! Get lost!" Inis na sabi nito sakin sabay walk out.

"Aba't!!! Maligaw ka sana ng tuluyan!! Hays Kainis!" sigaw ko rito. Ang sakit ng ginawa nya kahit wala ako non ah. Ang ganda sana, pangit naman ng ugali! Ini english english pako mga tsong!.
.
.
.
.
.
Nakarating nako sa meeting place namin at halatang badtrip ako dahil nakabusangot nila akong nabungaran.

"Oh tol? Anyare? Bat ganyan mukha mo?" Tanong ni James sakin. Sya ang leader ng dance troupe namin na ang pangalan ay "B-BoyZ Dance Elite". Kung bakit ay tanungin nyo si Pinuno. Sa school namin ay maximum of 8 lang ang dapat na member ng DT which is Ako, si James, Alfred, Jordan, Harrison, Allen, Jaden, and Drake.

"Wala to Pinuno, May nakakainis lang akong nakasalubong. " sagot ko rito.

"Aba napano ba tol? Aba bihira kalang mainis, paniguradong laki ng nagawa nun sayo kaya badtrip ka ngayon" Sabi naman ni Jordan.

At ayun nga ay kinwento ko sakanila ang nangyare kanina. At ang mga walanghiya pinagtawanan pa talaga ako.

"Pre ano kamusta si manoy?" Walang hiyang Harrison to. Pinagtripan pa ko.

"Putanginamo po" Sabi ko rito at natawa naman ang iba pa naming kasama na sina Jaden, Allen at Drake.

"Pre Ibang klase ah? Biruin mo di gumana ang Charisma mo sa babaeng yon? Sa school halos lahat ng babae magkandarapa na sayo ah? mukhang nakahanap kana ng katapat mo haha" Sabi naman ni Alfred sakin.

"Wag ko na sanang makita yon! Wag na nga natin pag-usapan! Nabubwisit lang ako pag naaalala ko yon!" Sabi ko sakanila na ikinatawa nalamang nila.

Nagsimula na kaming mag practice. May gaganaping event kasi sa school na pinapasukan ko. Nakagawian na kasi ito ng school para sa transferees. Parang pa welcome ng school sakanila.

Habang nag papractice, ay napansin namin na may nanonood na samin. Halos mga babae at sa tingin ko'y sa school din namin nag-aaral ang mga iyon.

"Mga tol, andito na naman ang mga fans ko" Turan naman nitong si Jordan

My Driver, Sweet Lover (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon