Simula

16 1 1
                                    

Lumuluhang tiningnan ko sya sa mata.
Agad kong nabasa ang sakit sa kanyang mga mata nang titigan nya ako. Sobrang mahal ko 'tong lalaking nasa harapan ko ngayon na nakaluhod at nagmamakaawang tanggapin ko ulit sya. Sobrang sakit pag nakikita kong nasasaktan sya. Pero mas masasaktan lang kami kung pipilitin pa namin. Kahit alam naman naming sira na talaga kami.

Humihikbing hinawakan nya ang kanang kamay ko pagtapos ay bahagyang hinalikan. Mariin kong naipikit ang aking mga mata.

Nanghihinang hinawakan ko ang balikat nya para maitayo sya. Niyakap ko sya ng mahigpit dahil para syang matutumba sa tagal ng pagkakaluhod nya. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan man kami ng mga studyante ngayon.

"Tama na please, ayoko na. " bulong ko kasabay ng mahinang paghikbi na agad nyang sinuklian ng matinding paghagulhol. Gumanti sya ng mas mahigpit na yakap sa akin.

"Sorry kung nasaktan kita." Sumiksik pa sya lalo sa leeg ko. Para syang batang ayaw bumitaw sa mama nyang papasok na sa trabaho.

"Hindi ko na uulitin. Bumalik kana sakin please."

Umiling iling ako kasabay ng pagpigil ng aking hikbi.

" Tama na, alam naman nating malabo na talaga tayo."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Ngayon ay nakayuko ang kanyang ulo.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Hinawakan ko ang baba nya at pinatingin sakin habang pinipigilan ang muling pagluha.

Nang masilip ko ang namumula nyang mata ay mahina akong tumawa kunwariy hindi na nasasaktan sabay suntok ng mahina sa kanyang kanang braso.

"Para kang bata, oh tingnan mo umaagos pa sipon mo." Pinunasan ko ang luha sa pisngi nya pero lalo lang itong naluha sa ginawa ko. Sunod sunod ulit na tumulo ang luha nya.

"Tama na nga yan, pinagtitinginan na tayo dito". Kunwariy galit na sabi ko.

Tumingin sya sa langit kasabay ng pagsinghot.  Nang magbaba sya sakin ng tingin ay nakangiti na sya.

" Libre mo ko ha? Tapos pakopya na rin sa math." Humalakhak sya nang tingnan ko sya ng masama.

Umakbay sya saakin katulad ng dati nyang ginagawa nong bago palang kaming magkakilala.

"Libre mo ko ha? Hindi mo ako binalikan kaya ililibre mo na ako ulit tulad ng dati. "Mahina ko syang kinurot sa tagiliran na kinatawa nya.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay nya saakin at pinauna syang maglakad.

Nailing nalang ako habang napapangiti. Akala ko hindi na kami babalik sa dati dahil sa nangyari.

Lumingon sya sa akin. Kaya kinunutan ko sya ng noo. "Ibubully na ulit kita, hindi kana exempted. Hindi na kita girlfriend. "Nang aasar nyang sabi sabay dila at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon