MOONLIGHT WHITE
Tagos hanggang puso ang liwanag mong puti,
Kagandahang nais masilayan ay iyong kinukubli
Sa pagsapit ng takip-salim iyong liwanag ay ngumingiti,
At sa agos ng iyong luha'y tila sa aki'y nakikidalamhatiKulay ng iyong liwanag ay sumisimbolo ng pagiging puro,
Kulay na tila nililinisan at winawaglit ang poot at sakit sa isipa't puso
Sa paglubog ng araw ay kinukulayan ng dilim ang buong mundo,
Ngunit sa iyong muling pagsibol dilim ay tila naglalahoSa pag-ihip ng hangin ay kasabay ng mga punong sumasayaw,
Binibigyang buhay ng liwanag mong puti at minsa'y dilaw
Bawat pagaspas ng mga dahon ay isang tinig ang nag-uumapaw,
At sa dulo ng guhit-tagpuan ay may isang emosyong nagsusumigawEmosyong dulot ng wagas na pag-ibig,
Aking munting kahilingan sa buwan tila'y kanyang nadinig
Puso'y nasasabik sa di inaasahang pagpapahiwatig,
At dinarasal na muling marinig ang mala-musika nyang tinigAnino ng lalaking aking minamahal ay kusang nagpakita,
Labis na tuwa't galak ay ang tangi kong nadarama
Kasabay ng pagliwanag ng buwan ay ang kislap ng luha sa kanyang mga mata,
Nagsusumamong kanyang presensya'y pakawalan naTanging ibinubulong ng isip siya'y tuluyan nang pakawalan,
Ngunit hiling ng aking puso'y muli pa syang mahagkan
Hinihiling na huminto bawat segundong nagdaan,
Taliwas sa nakatakda naming kapalaranSa pagmulat ng aking mga mata luha'y bumuhos na ng kusa,
Namamayani mga emosyong lungkot, sakit, pighati't pangungulila
Paglaho ng pigura ng aking irog ang aking huling nakita,
Saksi ang liwanag ng puting buwan na simbolo ng aming pag-iibigang isinumpaWritten by: AprilEmerald (krstn1626)
Date written: 05/08/20
BINABASA MO ANG
Compilation Of Entries (WATC)
RandomIto ay grupo ng aking mga likhang akda na aking isinasali sa mga patimpalak buwan-buwan sa WATC.