CUB #30

114 7 3
                                    

Messenger

Madison:
Sync!

Seen

Sync:
Maddie, alas onse na.
Magpatulog ka naman.

Madison:
O, bakit ka nagreply?
Sabihin mo nag mml ka na naman.

Sync:
Pampatulog lang.

Madison:
Kilala kita, Sync.

Sync:
Ano bang kailangan mo?
Nasira na game ko.
Pucha, ranking pa naman ako.

Madison:
Importante pa ba iyan kaysa sa akin?

Sync:
Siyempre, mas importante ka.
So, ano nga?

Madison:
Pinapaimbestiga raw ako ni Bradley sa kaibigan niya.

Sync:
Kaibigan? Mayroon pa ba siya noon?

Madison:
Malay ko!

Sync:
Mas malay ko.
Ikaw ang mas nakakakilala sa kaniya kaysa sa akin.

Madison:
Wait! Kaibigan?
Hmmm hindi kaya si…
Si Todd Hudgens!

Sync:
Si Todd, siguro o ano naman kinalaman ni Todd sa iyo?

Madison:
E, ipinaparesearch na raw ako ni Bradley kay Todd!

Sync:
Ang daming estudyante sa Treston High!
Wag kang praning.

Madison:
Paano kung makilala niya ako?

Sync:
Oh, ano naman?

Madison:
Kaunting suporta naman diyan oh!

Sync:
Ay, suporta ba? Kung suporta lang naman ang pag-uusapan, number one fan mo ako, Madison! 🎉

Madison:
Parang labas naman sa ilong. 😒

Sync:
Okay, fine! What do you want me to do?

Madison:
Thanks, Bestfriend!
Sundan mo si Todd at kausapin mo.

Sync:
Tapos?

Madison:
Sirain mo ang lahat ng ebidensiya na makukuha niya sa akin.

Sync:
Okay.

Madison:
Ano iyon?

Sync:
Ah?

Madison:
Ano iyong okay lang?

Sync:
Sige na. Ako nang bahala!
Matutulog na ako, bye!

Madison:
Good night, Bestfriend! 😘

Cheer Up, Bradley! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon