Mula sa mahimbing na tulog ay nagising ako bigla ng tumonog ang alarma ng aking tiyuhin, Ilang ulit na tumutunog ang kanyang cellphone ngunit hindi parin siya nagigising at nag sisimula na din akong mairita sa tunog nito na kumakantang bata. Naka higa ako sa itaas na bahagi ng double deck kaya naman ay nag dadalawang isip ako kung ba-baba ba ako para pataying ito o hihintayin siya na lamang ang mag patay ng alarma.
Ilang sigundo ang nakalipas ngunit di niya parin ito pinapatay kaya naman ay agad kong minulat ang aking mga mata,sinanay ko muna ang aking paningin sa dilim bago ako bumaba mula sa higaan ko. Kinuha ko ang sarili kong cellphone para magamit ko ito pang aninag sa pag hahanap ng cellhpone ng aking tiyuhin at dali-dali akong bumaba, napansin kong naka talukbong lang siya at balot na balot ng kumot ang kanyang buong katawan.
Agad kong kinapa ang hinihigaan niya dahil hanggang ngayon ay tumutunog pa rin ng mahina ang kanyang celpon ngunit may bumabagabag sa akin at napa tanong sarili ko, bakit nung nasa itaas ako ay malakas ang naririnig kong tunog nito? gayong nasa ibaba ang kanyang cellphone at mahina na ang naririnig ko?
Patuloy na kumakanta ang bata na naka set sa alarma niya, hindi nagtagal ay nakapa ko din ito ngunit laking gulat ko nung makitang hindi pala ito ang tumutunog pero may kumakanta pa rin.
Pinakinggan ko itong mabuti habang tinitignan ang bagay na hawak hawak ko, nararamdaman kong naninigas ang aking katawan at nanlalamig ang aking mga kamay at paa nang makumpirmang galing nga sa itaas na parte ng aking hinigaan ang tumatawa at hanggang ngayon ay tumatawa pa din."Oh, Gising ka na pala?" mga narinig kong salita mula sa pintuan, kaboses na kaboses iyon ng aking tiyuhin kaya naman ay agad akong kinabahan at kinilabutan... Sino ang nasa aking tabi ngayon na nakabalot ng kumot habang nakahiga? Para akong aatakihin sa puso dahil sa mga nangyayari sa akin, alin ang totoo? delusyon lang ba o katotohanan na ito? Lilingon na sana ako ngunit may humilang tilang nanlalamig na kamay sa aking braso at pinahiga at niyakap ako.
"Kanina pa nila tayo pinag-lalaruan...pumikit ka na lang dyan" Yan ang sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa akin na para bang takot na takot din siya sa kung mga nangyayari.
Biglaang nag-ring ang cellphone ko, alas quatro na din pala ng madaling araw. Tinignan ko ang naka-register sa caller, si mama. 'Di ko agad ito nasagot dahil sa kaba, pero 'di din nagtagal ay may pumasok na voice call... Nagdadalawang isip ako kung pakikinggan ko ito o hindi pero para bang kusang gumalaw ang aking kamay at pinindot ito at pinakinggan...
"Anak, nakalimutan ng tiyuhin mo ang cellphone niya kaya paki ligpit na lang pag nagising ka na at nakita mo ito. Wag ka munang umalis ng bahay mamayang umaga ah, Ikaw muna mag bantay, mamalengke lang kami at maniningil ng utang kasama ang tiyuhin mo"
BINABASA MO ANG
Eerie
ParanormalRandom horror story made by RandomThinker_ Get ready to experience some creepy things after reading this :)