Minulat ko ang aking dalawang mata, kinapa ang mukha ko sabay alis sa bagay na nakapag-pagising sa akin, buhok.
Tinignan ko ang aking paligid, sa bawat pader ay may mga naka sabit. Stuff toys,lalagyan ng libro,paintings,mga medalya at mga papel na nagsisimbulo na ang isang tao ay nanalo sa iba't ibang pa-kontes sa eskwelahan.
Oo nga pala, nakikitulog lang ako ngayon sa bahay ng ate ko, sa kwarto ng aking pamangkin, nakatulog ako ng maaga kanina kaya naman alam kong matagal pa bago ulit ako makaka-tulog. Tinignan ko ang aking relo, pasado alas tres kwarenta na pala ng madaling araw.
Naka-aircon ang kwarto kaya naman komportable ako sa aking hinihigaan kahit sa sahig lang ito at naglatag lang ng malambot na kutchon
. Tama lang ang lamig na inilalabas na hangin mula sa aircon, tinitignan ko ang pader kung saan naka lagay ang mga medalya at sertipikasyon.Matalino ang nakakatandang anak ng aking kapatid kaya naman madami itong nakukuhang medalya at kung ano-ano pa mula sa paaralan nila. Tila ata'y sumasayaw ang mga nakasabit sa pader at parang sumasabay sa malakas na hangin na akin namang ikinatuwa, pero may nahagip ang aking mata, isang painting na aking tinitigang mabuti, manikang maputi ang ang mukha, mahaba ang buhok, maitim ang dalawang mata at naka suot ng pulang kimono.
Biglaan akong naiihi kaya naman lumabas ako ng kwarto, may kwarto din sa harapan ng kwartong aking pinanggalingan at naka sarado ito, pag katapos kong mag CR ay iniwan ko itong naka bukas ang ilaw at pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig, nasa harap ko ang malaki at puting christmas tree kung saan may lumang anghel na nakatalikod at naka patong sa itaas nito, tinititigan ko ang anghel at laking gulat ko na lamang ng lumingon ito sa akin, muntikan ko nang maibuga ang tubig na aking iniinom, tinignan ko itong mabuti pero nasa ayos naman ito, guni-guni lang ba iyon?
Agad akong nag-tungo sa kwarto ngunit papasok pa lang ako ay napansin kong nakapatay na ang ilaw sa banyo at naka bukas ang kwarto sa harapan ng aking tinutulugan, iba na ang nararamdaman ko, may kakaiba na sa bahay na ito. Pag pasok ko ay ganun pa din ang ayos ng kwarto, gumagalaw pa din ang mga naka balangkas na sertipikasyon pati na din ang mga medalayang naka-sabit sa pader. Tinignan ko ang painting, putcha! nawawala ang manika na naka obra doon, napag tanto ko na paanong gumagalaw ang mga bastidor eh sa gayong wala naman hangin? at hindi naka harap ang aircon sa pader.
Mas lalo akong kinabahan, may kumakatok sa pintuan. Dahan dahan itong bumukas at may isang batang hinay hinay na pumapasok, nakasapatos ito, hindi! hindi ito isang bata kundi manika! tinignan ko ang kanyang mukha, naka ngiti ito sa akin, nararamdaman kong naninigas ang aking katawan at tila hindi ako maka galaw
"Good morning!" sambit niya habang tumatawa...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Minulat ko ang aking dalawang mata, kinapa ang mukha ko sabay alis sa bagay na nakapag-pagising sa akin, buhok.Tinignan ko ang aking paligid, Oo nga pala, natutulog ako sa isang selda...Pinatay ko daw sila, baliw na daw ako at hindi na maisasalba pa.
Nagkakamali sila, dahil alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng mga nangyari sa araw na yon... Tinignan ko siya, nakatayo malapit sa riles, ngumiti siya sa akin.
"Good Morning!"
BINABASA MO ANG
Eerie
ParanormalRandom horror story made by RandomThinker_ Get ready to experience some creepy things after reading this :)