Chapter 3

171 5 2
                                    


Mariam Ryleigh's Point of View









Nakauwi na kami after namin dahil ang mga batang nakita namin sa mall sa isang bahay na maliit lang pero kaysa sila. Bili ko yun para sa kanila para hindi na sila sa daan matulog.









Masaya ako pag nakakatulong ako sa mga taong nangangailangan katulad ng mga batang yun. Sa murang edad nila alam na nilang buhayin sarili nila, dapat sa age nila nageenjoy pa sila sa pagkabata nila.









Pero biglang pumasok sa isip ko yung nakabangga ko kanina. Siya nga yun, si Rhemuel Ethan Santiago ang taga pagmana ng Santiago Group. Wala pa din siyang pinagbago nung huli ko siyang makita ganun pa din itsura niya hanggang ngayon.









Siguro hindi na niya ko natatandaan kasi napakatagal na nung huli namin nakita isa't isa. Alam niyo ba siya lang yung kaisa isa kong naging crush. Hanggang ngayon siguro crush ko siya, wala naman masama dun diba paghanga lang naman. 😊









"Yow! Ano iniisip mo dyan, ngiti ngiti ka pa."










"Nandito ka pa pala Alexis, nasaan si Kevs?"









"Nauna ng umuwi kasi tumawag sa kanya si tita. So bakit ka nga nangingiti dyan? Ano iniisip mo?"









"Ah-eh masaya lang ako kasi natulungan ko yung mga batang yun. Hindi ko kaya na iwan sila dun sa kalsada tapos may baby pa silang kapatid."








"Hmm. Same Ry, napaka bait ng mga batang yun. Imagine sa edad nila na yun napipilitan na silang magtrabaho, maghagilap sa basurahan ng kakainin nila."









"True, masaya ko kasi natulungan ko sila, hindi pala masaya ko kasi natulungan NATIN sila."









"Ikaw talaga ang tumulong sa kanila Ry hindi kami. Sobrang proud kami sayo ni Kevs."










"Thanks Alexis. Dalaw dalawin na lang natin sila paminsan minsan"










"Oo sige. Ay paano Ry uuwi na ko kasi may bisita daw kami ngayon. Tawagan kayo na lang kayo ni Kevs maya usap tayong tatlo. 🥰"










"Sige Alexis, ingat ka ha. Kamusta mo na lang ako kila Tita. Pakisabi dalawin ko sila next week."









"Makakarating Ry. Bye."









Nagbeso beso lang kami tapos umalis na siya. Pagkaalis ni Alexis pumasok na naman sa isip ko yung nangyari kanina sa mall. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya, nakita ko ulit si Ethan. Siguro nga hindi na niya ko kilala. Sabagay ang tagal na nung huli naming pagkikita kaya natural lang na hindi na niya ko kilala.







----



Rhemuel Ethan's Point of View






Nakauwi na din sa wakas. Pero bago kamo umuwi sinigurado muna namin na nasa maayos na kalagayan sila lolo at lola na nakita namin sa mall kanina. Ang sarap sa feeling na nakakatulong ka sa mga nangangailangan katulad nila lolo at lola.







Pero bigla kong naisip yung hindi ko inaasahan na pagkikita namin ni Mariam Ryleigh Montereal. Siya nga yun lalo soyang gumanda. Hindi niya na ko kilala. Magkikita pa kaya kami? Sana oo magkita pa kami.







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly It's Love Where stories live. Discover now