Chapter 6: Straight Ako

4.2K 227 28
                                    

Erica





Halos hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat na makita siya rito sa loob ng aming bahay.




Napaka relax ng kanyang mukha at mga mata habang prenting naka upo sa aming sofa. Samantalang ako, heto, hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin dahil sa sobrang kaba.




"Oh, anak! Nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi may bago ka palang ka trabaho at maganda pa." Biglang aniya ni mama na kagagaling lamang sa kusina, mayroon itong dala na juice na tinimpla sa isang pitsel. Naka sunod naman sa kanyang likuran si papa na may dalang meryenda.




"May lakad din pala kayo kasama ng boss ninyo sa Sabado, sa isang party. Bakit naman hindi ka nagsasabi sa amin ng mapaghandaan natin ang susuotin mo? Ikaw talagang bata ka!" Dagdag na saway nito sa akin dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba talaga ito? Pagagalitan nila ako sa harap ni Ms. Torres? Nakakahiya!




Napalunok ako. "Ipinag paalam kana niya sa amin, hindi ba Pearl?" Sabay tingin ni mama kay Ms. Torres. Agad na napatango naman iyong isa habang may nakakalokong ngiti sa labi.





Pero teka nga...anong katrabaho?! Eh siya nga itong boss ko! Kung alam ng nila kung ano 'yung nagawa ko sa babaeng 'yan. Kaya lang....napag paalam na pala ako nito, ibig sabihin wala na akong magagawa pa kung hindi ang umattend sa party na sinasabi nito.



Ano namang susuotin ko? Tsk!



------




At dumating na nga ang araw ng Sabado. Umaga pa lamang kanina, kinakabahan na ako. Hanggang ngayon ba naman na magdidilim na hindi parin mawala-wala ang kabog sa dibdib ko?




Ilang beses ko ng sinubukan na kalmahin ang aking sarili pero ayaw talaga papigil ng nito. Lalo pa kanina, hindi ko ini-expect na may evening dress pala na inihanda na si Ms. Torres para sa akin at ipinahatid pa nito kanina kay Garry.




Si Garry rin mismo ang magsisilbing driver ko papunta sa venue kung saan gaganapin ang party na nasabi. Ang tatay ko naman ang nag silbing makeup artist ko at taga ayos sa lahat, habang ang nanay ko ay panay lamang ang panonood sa amin.




Pasado alas sais ng gabi kami umalis ni Garry sa bahay. Habang nasa daan, hindi ko mapigilan ang hindi i-video call ang dalawa kong kaibigan. Kapwa sila excited sa mangyayari ngayong gabi, samantalang ako? Heto, parang gusto ko nalang ang umuwi muli at magtago sa aparador mula sa loob ng aking kuwarto.





Hindi nagtagal, huminto kami sa isang kilala at mamahaling Hotel. Sa labas pa lamang nakikita ko na ang mga nagyayabangan at magagarang sasakyan ng mga tao na nasa loob na ngayon. Ako lang yata ang bukod tanging hindi mayaman sa buong lugar na ito. Kung bakit naman kasi ako pa ang naisipan na gawing date ni Ms. Torres.




Nagsimula ng bumaba ng sasakyan si Garry atsaka ipinagbukas ako ng pintuan. Sandaling tinignan ko muna siya habang naka ngiwi.




"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon ni Ms. Torres?" Kinakabahan parin na tanong ko kay Garry. Natawa siya ng mahina.




"Mukhang hindi na ho talaga eh." Sagot naman nito bago inilahad ang kanang kamay. "Tayo na po ma'am. Tiyak na hinihintay ka na niya sa loob." Muling pag-aya nito.




Napalunok muna ako ng maraming beses at napa buga na rin ng hangin sa ere bago tuluyang hinawakan ang kamay nito. Pumasok kami sa napaka gara at napaka lawak na function hall ng Hotel.




I Kissed A Girl (GirlxGirl) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon