Prologue

15 0 0
                                    

Author's Note:

Hello guys! First time ko pong magsulat ng fantasy ang genre. Kung may nakikita/napapansin po kayong kaparehas ng story ko, baka po ay nagkataon lang.

Advance sorry po sa mga errors lalo na sa grammar, hehe. Sana po isupport po ninyo ang mga stories ko. The more readers na nakikita ko, the more na ginaganahan akong tapusin ang bawat story na naiisip ko.

Thank you so much in advance po sa inyong lahat :)) I'll try my very best para po ganahan kayo sa pagbabasa. Please vote po, I love you ❤

PROLOGUE

-------------------------------------------------------

---------- E P I C I A ----------

Sword

Spear

Bow

Shield

A

ng apat na bagay na ito ay tinatawag na 'The Four Holy Weapons'. Ginawa ito ng 'The Follower of God' upang tulungang puksain ang mga masasamang nilalang na umaatake sa mundo ng Epicia. Ang The Follower of God ay isang organisasyon sa simbahan kung saan malakas ang pananalig ng mga ito sa kinikilala nilang Panginoon. Sila ang gumawa ng ritwal upang mabuo ang The Four Holy Weapons. Ngunit magagamit lamang ang apat na sandatang iyon kapag dumating na ang panahon kung saan sasalakay ang mga halimaw.

Ang pagsalakay ng mga halimaw sa Epicia ay tinatawag nilang 'Waves of the Monsters'. Kaya ito tinawag na Waves of the Monsters ay dahil hangga't hindi nauubos ang buhangin sa hourglass ay patuloy na dumadagdag at dumadami ang mga halimaw na sumasalakay sa Epicia. Ang hourglass na ito ay tinatawag nilang Dragon's Eye. Ang Dragon's Eye ay ginagamit na orasan upang malaman kung kailan magaganap at matatapos ang Waves of the Monsters. Isa itong malaking hourglass kung saan nakalagay sa pinakatuktok ng simbahan ng Epicia.

Sa sandaling malapit na ang panahon ng Waves of the Monsters ay hudyat na para sa The Follower of God na simulan ang paghahanap ng mga taong karapatdapat na humawak ng sagradong sandata ng Epicia. Ang apat na taong mapipili ng mga sagradong sandata ay tinatawag nilang...


'THE FOUR HEROES'

-------------------------------------------------------
A/N: Sorry po sa short update ng prologue. Sa susunod na chapter po ay mahahaba na po sila. Again, thank you and please vote :))

Epicia and the Shield Hero (On-hold)Where stories live. Discover now