1

8 0 0
                                    

Someone's POV

"Sa ngalan ng ating makapangyarihang Panginoon, nais naming tulungan mo kami sa paghahanap ng mga taong karapat-dapat na humawak ng The Four Holy Weapons upang kami ay iligtas sa kapahamakan! Nagsusumamo kami sa iyong ngalang nawa'y matulungan kami sa paghahanap!"

"Nagsusumamo kami..."

"O aming Panginoong makapangyarihan sa lahat, nagsusumamo kami!"

"Bigyan ninyo kami ng apat na taong karapat-dapat sa mga sandatang ito..."

Nagpatuloy lamang sa pag-usal ng ritwal ang mga taong nasa loob ng simbahan. Nakaluhod ang karamihan sa kanila at isa lamang ang nakatayo, ito ay ang kanilang pinuno.

Ilang oras pa ang ginugol nila sa pag-usal ng ritwal ng biglang onti-onting lumiwanag ang gitnang harapan nila.

"Nandito na ang mga tagapagligtas!"

"Tinulungan tayo ng ating Panginoon! Hindi niya tayo binigo!"

Lubos ang tuwa ng mga taong nandoon sa loob ng simbahan habang hangang-hangang nakatingin sa harapan. Kahit hindi makita ang kung anong nasa harapan dahil sa labis na liwanag ay makikita sa mga mukha nito ang tuwa at pag-asa.

Nang onti-onting mawala ang liwanag ay doon na nila nakita ang kanilang tinatawag. Apat na lalakeng nakahiga sa sahig ang bumungad sa kanila. Pagkatapos ay sabay-sabay ulit silang lumuhod.

"Salamat aming Panginoon. Napakabuti ng iyong puso..." mahinang dasal ng lahat at saka tumayo na ng tuluyan at nilapitan ang mga bagong dating.

"Maligayang pagdadating sa Epicia, mga tagapagligtas!" malakas na sigaw ng pinuno nila habang itinataas ang dalawang kamay sa hangin.

Iyon naman ang naging hudyat ng apat na bagong dating upang magising sa pagkakahiga sa sahig.

"Sino kayo?!/Nasaan ako?!/Anong nangyari?!/Mga pari?!" gulat at sabay-sabay na sabi ng apat na lalake.

Gregg's POV

Hi, ako nga pala si Gregg Leyson, college student. Walang espesyal sa'kin dahil hindi naman ako pinanganak na talented at matalino. Hindi rin ako gwapo--- sobrang gwapo lang. Maniwala ka sa'kin!

Naglalakad ako ngayon papunta sa aming school. At kung bakit ako naglalakad? Malapit lang kasi ang school sa bahay namin, sayang naman kung sasakay pa ako kung pwede namang lakarin.

Bitbit-bitbit ko ngayon ang paborito kong manga, ang The Seven Deadly Sins. Pero syempre, marami pa akong paborito bukod dito.

Ito lang ang espesyal sa'kin, ang maraming kaalaman tungkol sa mga manga. Kinahiligan ko na kasi ang pagbabasa nito dahil nakakawala ito ng bagot. Hindi kagaya ng libro sa school, ilang minuto ko palang binabasa e inaantok na agad ako.

Malapit na ako sa may entrance ng school ng makita ko ang kaklase ko. "Oh pre! Ang aga natin ah? Nagbabagong buhay ka na ba?" bungad nito sa'kin 'tsaka ngumisi ng malaki. Nakipag-apir naman ako sa kaniya bilang pagbati.

"Anong bagong buhay? Wala sa diksyunaryo ko 'yon, pre! Ginising lang talaga ako ni Mama ng maaga... kaya ayon." kibit-balikat ko namang sagot sa kaniya. Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Gano'n ba pre? Akala ko bagong buhay na e. Oh siya, mauuna na muna ako sa'yo at may pupuntahan pa 'ko." tumango naman ako sa kaniya bilang sagot. Nagdesisyon naman akong tumuloy muna sa library para magbasa ng manga o hindi kaya'y matulog.

Kulang tulog ko dahil tinapos ko pa 'tong The Seven Deadly Sins.

Pagkarating ay humanap agad ako ng komportableng mauupuan. Yung walang makakakita 'pag nakatulog na ako. Terror pa naman daw ang librarian dito, mukhang dragon daw kung magalit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Epicia and the Shield Hero (On-hold)Where stories live. Discover now