10

68 8 1
                                    

Chapter 10

Maaga akong nagising at maaga din akong nakapunta sa school. Mabuti nalang at hindi ako nahuli sa calling time namin at pagdating ko ay halos kasabay ko lang si pres at si Jeremiah pagdating sa main booth. 

"Goodmorning Ella," bati ni Jeremiah.

"Goodmorning din,"

"Buti hindi ka na late ah?" biro niya.

"Buti nga hindi eh. Baka puntahan mo'ko sa bahay dahil hinahanap nako ng kuya mo,"

"HAHAHAHA, grabe ka." Pinaalala ulit ni pres ang dapat naming gagawin kung sakaling may mai-injure.

"Don't forget the RICE method, okay?" paalala ni pres.

"NOTED PRES!" sagot naming lahat.

"After the opening program, pumunta na kayo sa laro kung saan kayo naka destino." Hindi naman nagtagal ay nag umpisa na ang program at pumunta na kami sa gym para makihalo.

Pagkatapos ng program ay bumalik na ulit kami sa main booth para kunin ang first aid kit. Madali lang naman kaming mga first aider makilala dahil nagpaprint kami ng t-shirt na kulay puti at may logo na pulang cross sa gitna.

"Kung sakaling may mahihimatay sa laro, ikaw ang magbuhat je ah?" nakatawang sabi ng kasama namin.

"Bakit ako lang? Andito pa si Michael oh, hahaha." Tinuro niya si Michael na naglalakad ng tahimik.

"Tsh," tanging sagot ni Michael. Tahimik na tao si Michael kaya madalang lang namin siyang nakakausap. Batch namin siya kaso nasa ibang section. 

Nang makarating sa court ng paglalaruan ng volleyball ay pumwesto na agad kami. Mabuti nalang at nakahiram kami ng table para doon ilagay ang kit. Isa isa naming  ilabas ang laman nito para hindi na kami mahirapan mamaya sa kakahanap.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin kung nandito na ba si Chloe at Thea. Hindi ko sila nakita ng dumating ako at hanggang ngayon ay hindi padin. I'll just text them but I don't have a load. Di bale na, makikita ko din naman sila mamaya. Andito na ang ibang teammates ni Chloe at siya wala padin. 

Hindi nagtagal ay dumating na ang referee at pina warm up na muna ang mga players at nahagip ng mga mata ko si Chloe na nagmamadali. Siya nadin ang nanguna sa pag warm up nila. Sana manalo sila. Grade 10 at Senior High ang maglalaban ngayong finals. 

Kung sino ang mananalo sa dalawa ay siyang ilalaban sa ibang school. Siguro kukunin din nila ang magaling na player mula sa matatalong team. I'm praying that our council will win, that is Chloe's goal. 

"The warm up will end within a minute. Be ready!" sigaw ng referee habang tumitingin sa relo niya. 

Nakita kong parang may sinasabi si Chloe sa kasamahan niya. Pagkatapos ng isang minuto ay natapos na ang warm up at nag introduce na ng players. Kabilang sa first six si Chloe dahil siya ang spiker. 

Unang set palang ay intense na ang laban. Tama nga ako, nagpapahina sila sa practice pero hindi mo akalain ang lakas nila sa tunay na laban. Kaunting puntos nalang ay malapit ng matapos ang set 1 pero hindi ko manlang mahulaan kung sino ang mananalo sa set na'to.

May tiwala ako kay Chloe at sa mga kasama niya na kaya niyang ipanalo ito. Pangarap niyang makalaro laban sa ibang school. Matalo o manalo man sila ay wala namang mawawala maliban sa pangarap ni Chloe pero baka kukunin din siya kung sakaling hindi man sila ang manalo dahil sa galing niya maglaro.

Still Us (Bestfriend Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon