2.Walang label?

18 1 0
                                    


"Uhm...Oo akin ka"

Shetttt!Hindi ko alam kung tatalon o titili ba ako.

"Tama na yang Harot Dri!"natatawang singit ni Denden at inakbayan na si Castriel at umupo na ulit para pag usapan yung Group Activity.


Panira psh.


Umirap nalang ako sa kawalan at umupo nadin sa tabi nila.



"Do u have marker?"biglang tanong ni Castriel at tinignan nya kami ni Denden.


Tumayo ako agad at kinuha yung Marker sa Bag ko.Pero ang PAKSHET na si denden ay naunahan pa akong bigyan si Castriel ng Marker.



"Meron na,balik mo na yan"natatawang sambit ni Denden.

"Ano yang brand ng marker mo?Di naman yan maganda!Oh tammo pa putol putol pa,ito nalang"sabi ko at ibinigay kay Castriel yung Marker ko.


May crush din ba si Denden kay Castriel?Umeepal eh!Psh.

Napangiti nalang ako ng malapad ng tanggapin ni Castriel yung marker ko at nagsimula ng magsulat.Inirapan ko naman si Denden na hawak na ang Panget nyang Marker WAHAHHAHA kawawa naman.


Ilang minuto pa ang nakalipas at binitawan na ni Castriel ang marker at sinimulang i massage yung mga Daliri nya.


"Oh dri ikaw na magsulat!Pa VIP kadin eh"sabi ni Denden at inihagis sakin yung Marker.



"Di ako pa VIP noh!Willing naman akong magsulat,epal to"pag sagot ko kay Denden at inirapan sya.

Kinuha ko nalang yung malaking Manila Paper at Marker sabay lapag sa may sahig.Mas komportable ako dito kesa sa Arm Chair.



"Panget ng sulat mo Dri!Ayusin mo nga"sambit ni Denden na animo'y maganda naman ang sulat.


"Mas maganda pa nga sulat ko kesa sa mukha mo,epal mo talaga!"sabi ko at tinuktok sakanya yung Marker.


Paeksena talaga tong si Denden!Bakla ba to?Baka may gusto talaga sya kay Castriel!No way!

"Wala tayong matatapos pag nag away lang kayo"napatigil kami sa pagsasagutan ng magsalita si Castriel.



Tumahimik nalang ako at ganon din ang ginawa ni Denden pero patuloy padin ang pag irap namin sa isa't isa.


Kung wala lang si Castriel dito baka kanina ko pa tinanggal yung eye ball ni Denden.

Epal!

****

"Hay salamat tapos na yung samin!"sigaw ni Denden ng matapos na kami sa Group Activity.


"Kapal neto!Wala ka namang itinulong eh!"singhal ko sakanya at inirapan ulit sya.



"Meron noh!Yung marker at Manila paper!"anya at parang babaeng umirap.


Umirap nalang din ako at tinulungan na si Castriel magligpit.


"Ako na magpapasa nyan kay Prof.Dimalayan"sabi ko dahil tila balak pa nyang sya nalang ang magpasa.


syempre dapat pa good shot tayo mga Dai!

Tahimik lang nyang ibinigay sakin yung Manila paper pagkatapos nun ay isinukbit na nya ang Bag nya.


Kinuha ko naman na yung manila paper at lumapit na kay Maeve na nag reready nadin umalis.



"Anong feeling ng ka grupo ang crush dai?!"na eexcite na sabi ni Maeve ng makalapit na ako sakanya.


Her Diamond Heart(Alpha Ladies Series #1)Where stories live. Discover now