CHAPTER 2

2 0 0
                                    


Phoebe ' POV


"Excuse me, nasan po si Mama L-Luch?" tanong ko sa guard, hindi pa ako sigurado kung tama ba ang pagkakabigkas ko sa pangalan nung tanong hinahanap ko. Andito ako ngayon sa nirecommend sa akin ni Manager Cecile.

Tinignan ako nung guard mula ulo hanggang paa, ayos naman ang sout ko ngayon satingin ko. Blouse na hindi matingkad na blue at slacks na itim na pinaresan ko ng white na sapatos.

Nahihiyang ngumiti ako nung mag tama ang tingin namin, pagtapos nun ay tumingin siya sa log book na nasa desk niya.

"Ms. Reyes?" tanong niya at agad akong tumango. Pinakita niya sakin ang daan.

"Nasa 2nd floor siya mam." sabi nung Manong guard ng naka ngiti. Tumango at ngumiti ako bilang sagot at pasasalamat.

Pagkapasok ko ay tinignan ko ang kabuuan ng gusali, ang 1st floor ay nahahati sa dalawang parte ang isa ata ay pang formal restaurant samantalang ang isa naman ay ang restobar. Na tatansya kung malawak ang bawat parte na yun sa loob dahil kitang kita sa salamin na pintuan ang ganda at lawak ng loob.

Pagkarating ko sa 2nd floor ay mas lalo pa akong namangha sa ganda ng nandito dahil may mga kwarto dito na magaganda ang disenyo, para bang ang lugar nandito ay pwedeng pang meeting, at natitiyak kung mga pang VVIP ang mga madalas na nandito.

Tulad ng sinabi ng guard ay pumasok ako sa unang pinto na makikita ko. Kumatok muna ako duon bago pumasok.

"Come in." rinig ko sa loob ng pinto kaya agad akong pumasok.

"Magandang araw po." bati ko sakanya pag kapasok ko. Hindi na ako nag taka dahil tulad ng sinabi ni Mama Cecile ay beki ang sunod na magiging manager ko. 

"Ikaw ba yung talent ni Cecile?" 

"Opo." nakangiting tugon ko.

Nilahad niya sakin ang upuan sa harap ng lamesa niya at agad naman ako umupo duon.  Nilahad ko rin ang resume na meron ako pero tinignan niya lang iyon ng may pagtataka sabay tumawa.

"Hindi na kailangan niyan, may tiwala ako kay Cecile at alam kung hindi ako bibiguin nun." naka ngiting sabi niya saakin.

Magsasalita na sana ako ng matigilan ako sa pag tunog ng pintong bumukas kaya parehas aming napalingon duon.

"Tita Luch!" sigaw ng babaeng pumasok, tinignan ko siya at hindi maalis ang tingin ko sakanya dahil ang ganda niya sobra. Makikita mung anak mayaman siya dahil halata sa pananamit niya pati sa postura niya.

"Oh darling, what brought you here?" masayang tugon ng magiging manager ko, kung matatanggap.

Nakita kung nag besohan silang dalawa, at masasabi kung malapit sila sa isat isa. Tinignan ko yung babae, pati ang kanyang pag ngiti ay napakaganda. Ang maputi niyang kutis at ang buhok niyang hanggang dibdib na bahagyang maalon sa bandang dulo nun ay napaka ganda rin. Hindi siya ganun katangkad pero hindi mo rin naman masasabi na maliit siya. Katamtaman lang ang tangkad niya, bumagay sa petit niyang katawan. Wala na sigurong maipipintas sakanya.

"Well, mama send me here to give you this." nilahad niya ang isang sobre na naka-ipit sa dalawang daliri niya. Tahimik lang akong pinagmamasdan sila.

"Invitation? Oo nga pala, muntik ko na makalimutan." magiliw na sabi ng magiging manager ko. Ngumiti lang ang babae sakanya.

"Mabuti at nautusan ka ha?" mapang asar na tanong nung manager.

"Yeah, you know mom always had a consequence." tila'y naaasar na sabi nung babae 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Speak Now, Runaway (RGS2)Where stories live. Discover now