01

54 8 5
                                    

"Tol alis na ko!" Paalam ko kay Jed. Best friend ko.

Kakatapos lang ng practice ng basketball dito sa school at ramdam ko ang pagod ng katawan ko.

Gusto ko ng umuwi kaya pagkasabi palang ni coach na pwede ng umuwi ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko at nagpaalam.

Pagka uwi ko ay agad kong nakasalubong si mommy kaya humalik na lamang ako sa pisngi niya at umakyat na pataas ng kwarto ko at humiga

After a long day, laying down in bed is the most satisfying thing to do

Hanggang sa...

"Anak? Akin na yung sapatos at damit mo para malabahan ko na. Wala ako bukas kaya hindi ko na maaasikaso yan" rinig kong sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

Ow shoot.

Naalala kong naiwan ko ito sa school. Dahil narin siguro sa pagmamadali.

Naka tsinelas nalang pala ako kanina pag uwi ko.

Agad akong tumayo kahit gusto ko ng matulog.

Kailangan ko yung makuha.

Nagpaalam ako kay mommy na babalik ako sa school para balikan saglit yun. Pumayag naman ito.

Ginamit ko ang motor ko papunta dun.

Pagdating ko doon ay madilim na. May kalayuan din kasi ang school sa bahay.

Andun pa yung guard kaya nagpaalam akong may kukunin ako.

Pagkarating ko sa court ay agad akong napahinto.

Nakarinig ako ng isang boses.

A girl singing...

Ang ganda ng boses, parang nawala yung pagod ko.

She is singing a korean song? I really don't know.

Para akong hinehele ng boses niya.

Ayaw ko naman siyang guluhin kaya dumungaw na lamang ako sa pinto at pinanood siya.

*****

M i s s B e t h i a

Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon