Prologo

20 3 0
                                    

"Bilang isa sa manunulat ng Dilly Day Magazine, nais kong subukan mong hagilapin at kapanayamin ang dating pamosong bokalista ng banda ng Blacksheep."

Napaangat siya ng tingin sa taong nasa harapan niya. Nasa harap siya ngayon ng kanilang boss na si Miss Madrigal na kamukha ni Miss Minchin, hindi lang sa pananamit kundi maging sa pustura. Kung titingnan nga'y mukha itong masungit, pero kapag nakilala mo naman ay medyo mabait naman pala.

"Pero Miss–"

"Alam ko, mahirap siyang hagilpain sa ngayon." Bumuntong hininga ito at naupo sa swivel chair  "Pero may tiwala ako sa kakayahan mo, hindi lang bilang isang writer, kundi bilang ikaw."
Tumingin ito sa kanya nang may ngiti. "Humahanga ako sa credentials mo. Simula nang makapasok ka sa Dilly Day Mag naging maayos at napakagaling ng mga ipinapakita mo. Kaya naman bilang ganti, nais kong ipromote ka." Dagdag pa nito.

Napa lingon siya agad dito pagkarinig sa huling salitang sinabi nito.

"Seryoso po  ba kayo?" Di mkapaniwalang  tanong niya. Baka namali lang pala siya ng dinig.

" Mukha ba akong nagbibiro?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Napanganga siya. Hindi nga ito nagbibiro. Totoo nga ang sinabi nito.
Bilang sagot ay umiling na lamang siya. Sobra yata siyang na shock kaya hindi siya makapag salita.

"Pero bago mangyari iyon, nais kong gawin mo muna ang ipinapagawa ko sa'yo. After you accomplish the task you can get your promotion. How's that?"

" Opo Miss. I will do everything for that promotion." Malapad ang ngiting saad niya.

"So it settled then. I will give you two months leave." Anito.

Seeking For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon