Nagsimula ang lahat last summer. Isang bakasyong hindi kapani-paniwalang mangyayari sakin. Inaamin kong naging masaya ako.
Sa una, hindi ko gustong maparoon sa lugar na 'yon. Galit ako sa dagat, lalong-lalo na sa tabing dagat.
At dahil nga bakasyon, maraming tao ang naparoon para magsaya. Subalit ako nung una, naiirita ako, talagang naiirita ako.
One year ago...
Drake Austin Weise POV
Maingay...
Napakaingay......
Masyadong crowded dito, maraming tao. Kahit saan ko ibaling ang aking tingin, mga nagkukumpulang tao parin ang nakikita ko.
Siya nga pala, andito ako ngayon sa beach resort ng mga Sandoval na kung saan ang pamilya ni Warren ang may-ari.
Si Warren Sandoval ang kaisa-isa at natatangi kong kaibigan. Hindi ako palakaibigan na tao kaya siya nag-iisa.
Ang totoo, ayoko makipagkaibigan kay Warren noon. Naiinis ako sa mga makukulit pero si Warren kasi parang definition na niya ang pagiging makulit kaya nagulat nalang ako isang araw, kaibigan ko na siya.
Mayaman din sila kagaya ko pero madali silang makontento. Unlike my family puro business ang inaatupag at halos makalimutan na may anak sila.
Okay, how did I end up here? Simple. Kakulitan ni Warren. Ang bakla nga niyang tingnan nung mga oras na 'yon e, sarap hagisan ng isang sako ng semento yung pagmumukha niya.
"Dre, nakabusangot ka?" and speaking of the devil.
"Dre, alam mong ayoko sa matataong lugar diba? Nanadya ka ba talaga?" Naiinis kong tanong sakanya.
Umupo siya sa tabi ko at tsaka umakbay. "Relax dre, kalma lang okay! Wala kasi akong maimbetang iba, pagtiyagaan mo na ko." paliwanag niya.
Masama kong tiningnan ang braso niya. "Tsk. Tsk. Tsk. Arte." sabay alis ng pagkaka-akbay niya sakin. Buti't nakahalata siya.
"Tss!"
Magtitiis na nga muna ako sa lugar na 'to. Tutal nandito na rin lang ako, susulitin ko na. One month isn't that long.
Binigyan ako ni Warren ng root beer at tinungga ko iyon habang nakatanaw sa papalubog na araw. Malapit na palang dumilim, ibig sabihin lang niyan, mababawasan na ang mga tao sa dalampasigan.
Biglang tumayo si Warren kaya napatingin ako sa kanya. "Dre, alis muna ako. Tawag ako ni daddy. Tulungan ko daw siyang magprepare para sa party-"
"Party?" putol ko sa sinasabi niya.
He nodded. "Oo dre, party. Dito raw kasi sa labas gaganapin yung party mamaya. Sounds cool right?"
I was speechless. Ang nagawa ko lang ay tingnan ang likod ni Warren na naglalakad palayo sakin. So, I think, my vacation was just ruined again...
--
Arian Jean Gomez's POV
"Yes... Yes... Yes... Yes... Yes......" sigaw nitong kasama kong ubod ng ingay.
Kararating lang kasi namin sa beach resort ng mga Sandoval. Inimbita raw kasi itong si Hazel at siya naman niyaya ako, wala kasi siyang maisamang iba.
Apparently, boring sa bahay at wala naman akong planong gawin nitong summer kaya sumama na ko kay Hazel. Tsaka, talaga namang boring sa bahay kasi mag-isa lang ako sa buhay.
Hazel dela Cruz is my bestfriend. She's the one helping me out in my life. Kapag kailangan ko ng part-time jobs, she's there, always.
Bigla-bigla, itinaas ni Hazel ang dalawang kamay niya at nagstretch. "Hay! Sa wakas, dumating rin tayo. Teka, matawagan nga yung mokong na 'yon. Ang hirap hanapin itong resort nila ha!" sabay halungkat nung bag niya.
BINABASA MO ANG
Summer Love (On-Going)
RomanceHe was once living in loneliness. Creating walls, being an introvert and avoiding people. His afraid of pain, before. She was alone but she's happy. She never gets tired of understanding people. She is strong, strong enough to hold on to live, befor...