ONE SHOT STORY

23.7K 514 91
                                    

KENDY'S P.O.V


"Tine, pa'no yan, malapit na ang debut mo. Anong wish mo?" Tanong ko sa bestfriend ko habang nakababad ang aming mga paa sa fish spa.

"Sana last dance ko siya!" Sagot niya ng hindi kami tinitignan. Ramdam ko ang lungkot nito at hindi siya makatingin sa akin.

"Siya?" Nakakunot noo na tanong ni Angela.

"Si Kyrr." Wala sa sariling binanggit ni Tine ang first love niya.

I miss them being together!

"What?! Saang lupalop naman namin siya hahanapin?"Lumakas ang boses ni Angela dahil sa pagkabigla.

"Oo nga, like five years na. It's been five years na nawala siya." Pagsang-ayon ko kay Angela.

"Wish ko lang naman, wala akong sinabi na tuparin ninyo." Bulaslas ni Tine at sinamaan pa kami ng tingin.

Tahimik kaming tatlo habang tinitignan ang aming mga paa sa spa. Sa susunod na araw ay debut na ng bestfriend namin. Five years nang hindi nagpakita si Kyrr kay Tine, Kyrr left without reasons. Basta-basta niya lang ito iniwan at hindi na nagpapakita ulit. Hindi namin masisisi si Tine na namimiss niya si Kyrr dahil iba magmahal ang lalaki. All I can say is that they deserve each other, yun nga lang ang problema, hindi na nagpakita si Kyrr.

Pinuntahan namin ni Angela ang dating bahay ni Kyrr. Nagbabakasakali na may makuha kaming impormasyon sa kanila o baka nagbalik na sila. We want Tine to be happy to her 18th birthday, kahit hindi niya sabihin ay alam namin gusto niyang hanapin si Kyrr ulit. Si Kyrr lang naman ang nagpapasaya kay Tine, kahit five years nang wala ang lalaki sa lugar namin.

"Hoy Kendy, paano kung hindi natin siya makita?" Nag-aalala na tanong ni Angela sa tabi ko.

"Makikita natin siya, promise! Dapat positive lang tayo. Ikaw Angela ha, hindi ka ganyan before." Nakangiti kong saad nito. Tinatabunan ko lang ang lungkot ko dahil ako man ay hindi rin sigurado sa paghahanap namin ni Kyrr.

Nakarating kami sa dating bahay nila pero kapansin-pansin ang katahimikan dito. Lumalaki na rin ang mga damo sa labas kaya halata talaga na wala ng nakatira. Naghintay pa kami ng ilang sandali baka may sasagot ng tawag namin, umupo pa kami sa hagdanan nito. Maya-maya ay may lumapit na matandang babae sa amin.

"Mga ining, matagal nang wala tao diyan." Mahinang sabi ng matanda. Ngumiti kami sa kanya at nilapitan siya.

"Good Morning po, Lola. Alam niyo po ba kung saan sila pumunta?" Tanong ni Angela.

Tumingin ang matanda sa bahay saka binalik sa amin ang atensyon, "Ang sabi ng mga kapitbahay namin ay pumunta sila sa US noon para magpagaling. Hindi ako sigurado kung sino ang may sakit, si Kyky ba or ang nanay nito. Pero noong nakaraang taon ay nakita ko si Elisa dito sa bahay na 'to, pero yun na ang huling pagkikita namin." Kwento ni Lola.

"Talaga po? Saan kaya siya pwedeng makita ngayon? Bumalik kaya sila sa US?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Naku! Yan ang hindi ko alam, ining." Napa kamot sa ulo si Lola.

Natahimik kami ni Angela sa sinabi ni Lola. Ngayon ay wala na kaming idea kung saan pa hahanapin ang lalaki. Nagpaalam si Lola sa amin at umalis nalang kami ni Angela sa dating bahay nina Kyrr.

"Alam mo Kendy, okay na sana ang relationship nila Tine at Kyrr eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit umalis si Kyrr, nakakainis siya." Bulalas ni Angela habang naghihintay kami sa tricycle papuntang seven-eleven.

"Ikaw naman, baka totoo ang sabi ni Lola na may sakit si Kyrr."

"Hoy wag naman, ang hirap hanapin ng patay." Ginulo ko ang buhok ni Angela dahil sa pinagsasabi niya. "Bakit Kendy, hindi ba namamatay ang tao?"

CAN YOU BE MY LAST DANCEWhere stories live. Discover now