"Let's go, Caimei."yaya sakin ni Kuya Vwenny at kuya Vwejgy. Oo, sabay sila nagyaya. Kambal eh, sanay na ako pero sila..."Wag mo nga ako gayahin, Bro"inis sa sabi ni kuya Vwejgy.
"Ikaw ang gumagaya sakin. Pagsabihan mo sarili mo."cold na sabi naman ni Kuya Vwenny.
HINDI.
"Yep, yep! Wag na kayo magtalo. Baba na kayo, sunod ako mga kuya ko. Magsasapatos lang ako."aniko.
"Okay."
Nagkatinginan sila. At oo ulit, sabay na naman sila nagsalita. Magsasalita pa sana sila pero inunahan ko.
"Yeeeeeep! Baba!"dinilatan ko sila ng mata at tinuro ang po pinto para sabihin na lumabas sila sa kwarto ko. Napaihip na lang ako sa bangs ko sa inis ko. Nakaka-stress talaga minsan magkaroon ng kapatid na kambal at kuya mo pa. Mas matanda sila sakin ng isang taon pero ugaling bata. Haist.
Tapos na ako magsapatos at bumaba na ako. Naka-uniform ako, high socks at black shoes. Straight yung hair ko na may pagkakulay brown, sa lahi siguro. Hindi ako palamake up pero naglalagay ako light lang. Yung natural beauty lang, hindi yung pak na pak na make up.
Sumakay kami sa kotse, si Kuya Vwenny ang nagda-drive for today. Naka-schedule kasi yan kung sino magdadrive. MWF, kuya Vwenny. TThS, kuya Vwejgy. Yung Saturday kasi practice nila sa school. Marunong ako magdrive, tinuruan nila ako nung 1st year highschool pa lang ako pero ayaw naman nila ako magdrive mag-isa. Kapag gusto ko magdrive kinukunsyaba ko si Nanay Fe, katulong namin.
"We're here."sabay tapik sakin ni kuya Vwejgy.
"Ha?"nagtataka kong tanong.
"Anong ha? Sabi ko andito na tayo sa school. Ba't ka tulala?"tanong niya sakin.
"Baka nagpuyat na naman sa kdrama niya."sagot ni kuya Vwenny.
"Totoo ba yun? Sabi ko wag ka na magpupuyat ng dahil don diba?"aniya.
Nginitian ko siya at nag peace sign. Napabuntong hininga na lang siya. Bumaba kami ng kotse at pumasok ng sabay sa gate ng school. As usual, nagtitingin na naman yung mga tao. Ayoko ng attention ng maraming tao kaya humihiwalay na ako kapag nakapasok na kami sa school.
"Caimeeeeeeei!"malayo pa lang tinawag na ako ni Mazy. Tumatakbo siya papalapit sa akin. Itong babae talaga na ito, sinabihan ko na wag siyang takbo ng takbo eh.
Nang makalapit siya sakin, niyakap niya ako ng mahigpit. Humiwalay siya sakin sa pagkakayakap at naghabol ng hininga. Hawak hawak niya yung dibdib niya at sign siya na parang saglit lang, maghahabol lang ako ng hininga.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Mazy, ano nga ulit yung pinaguusapan natin nung nakaraan?"
Hindi pa din siya makapagsalita. Naghahabol pa din ng hininga. "Ang usapan natin na hindi ka na magtatakbo-takbo, diba? Alam mo naman na pinagtitinginan ka ng tao kapag ginagawa mo yun. May tumatalbog, Mazy, malaki yan maghinay hinay ka nga sa ginagawa mo."
Oo, malaki hinaharap niya. Malaki din naman akin kaya nga ang tawag samin BF as in "Big Future". Medyo malaki lang yung kaniya at pasaway. Hindi ko alam kung ano gusto nito eh.
"Sorrrrry~"pagpapa-cute niyang sabi sakin. Tinarayan ko siya at inakbayan. Maliit lang naman siya kay kayang kaya ko siyang akbayan. Sa pagkakaalala ko 5 flat siya. Ako 5'3 height ko.
"Puro ka sorry pero uulitin mo naman. Pumasok na lang tayo."natawa siya sa sinabi ko at nagkwentuhan lang kami habang patungo papunta sa classroom namin.
"By the way, Sis. Kelan ka magtatapat kay Kuya Ream?"tanong nito sakin
Napakunot naman ang noo.
"Ano ka ba?! Hindi ako magtatapat sa kanya and never kong gagawin yun. Hindi ako desperada. Okay na ko sa anong meron kami. Ni hindi nga kami close, magtapat pa kaya?"napabuntong hininga ako at nalungkot sa reyalidad.
"Gusto mo ako na lang magsabi kay kuya?"loko nito sa akin.
"Gusto mo batukan kita?"pagbabanta ko.
Umiling siya at tumawa sa sinabi ko. Porket kapatid nito si Ream lakas ng loob na mag-suggest ng ganyan.
Gusto ko man umamin pero wala akong lakas ng loob. Conservative din ako noh. Saka may rules sila kuya na bawal i-jowa yung mga kamag-anak. Ang komplikado talaga ng love life ko.
BINABASA MO ANG
IS THERE ANY HOPE FOR US?
Teen Fiction✓You can't stop someone from falling in love. If you're ever going to be in love, beware that it can hurt, too. It's a risk that you got to take. ✓Learn to wait, perfect timing will come where everything is alright.