This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Sorry in advance for the grammatical and typographical errors :)
_______
Chied's POV
Naglalakad ako sa tabing kalsada nang may makita akong batang umiiyak kaya nilapitan ko ito. Bago pa man ako makapag-salita ay natigilan ako sa nakita ko.
12:30:50
Mayroon na lang syang labing-dalawang oras para mabuhay.
Sobrang bata pa niya para mamatay, pero wala akong magagawa dahil ito ang nakatakda para sa kanya.
“Bakit ka umiiyak?” mahinahong tanong ko sa bata.
“I can't find my mom po, and I don't know where to go.” Sagot niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Shhhhh.. Don't worry baby, I will help you. Just stop crying, okay?” I held her hand and start walking.
Nagpunta kami sa pinakamalapit na police station para makita na siya ng magulang nya, hindi rin naman nagtagal at dumating na ang nanay nya
"Thanks God, nakita din kita! Stop crying na baby, Mommy's here.." Sabi niya at niyakap ang anak, pagkatapos ay humarap siya sa amin.
“Maraming salamat iha, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung hindi ko nahanap ang anak ko.”
“It's okay po miss, just take care of your daughter. Sulitin niyo na po ang panahon habang may oras pa kayo Salamt po.” Nakita kong nagtaka siya sa sinabi ko ngunit hinayaan ko na lang iyon at umalis na.
I can see their remaining time on Earth.
Yes, you read it right.
How is that possible?
I don't know either. I just see it, it is written in any parts of their body.
I can also see my remaining time, but my time clock is different from others, hindi ko ito basta basta nakikita sa parte ng katawan ko. Makikita ko na lamang ito kapag kakaunti na ang oras ko. Kapag malapit na akong mawala.“Chied!” Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Rio na tumatakbo papalapit sa akin.
“Oh bakit?”
“Wala, nakita kasi namin na lumabas ka sa police station eh. Anong nangyari?”
“Naku, Chied! Baka kung anong kalokohan yang ginawa mo ha!” Hindi ako nakasagot sa tanong ni Rio dahil sa biglang pagsulpot ni Kate.
“Ako gagawa ng kalokohan? Imposible yon. Ikaw lang naman ang maloko sa ating tatlo!” Biro ko.
“Joke lang! May tinulungan lang akong bata.” Dagdag ko at nagpatuloy sa paglalakad.
“Bata?” Sabay nilang tanong.
“Oo, napahiwalay kasi ay siya mama niya, kaya dinala ko sa police station.”
“Ang bait naman pala ni Chied eh! Gayahin mo dapat, Rio!” Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Kate, maloko talaga.
“Sige na may pupuntahan pa ako eh, bye!" Paalam ni Kate. Nang makaalis siya ay nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Rio.“Ano ba talagang totoong nangyari?” Bigla ay tanong nito, sabi ko na nga ba at itatanong niya sakin yan.
“Tinulungan ko lang talaga yung bata, alam kong iniisip mo na baka sinubukan ko na namang pahabain yung buhay ng iba. I've already learned my lesson, Rio. Hindi ko na gagawin ulit ‘yon.” Napatigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Last Raindrop
Short StoryAs soon as the last raindrop fell, her heart stopped beating. She bid her goodbye, and never came back. [one shot]