01

268 9 2
                                    

Saffron Pov:

Saffron anung oras ka pupunta sa office? - pips

Nandito si pips ngayon sa bahay, dahil wala naman daw siya gagawin sa bahay nila. Nag tayo na din kami ng company. Ito yung isa sa mga hilig namin, ang mag design at gumawa ng damit.



Pag tapos nung layout na ginagawa ko " sabay tingin sa kanya. At nung nakita ko na okay naman siya. Binalik ko na yung tingin ko sa ginagawa ko " ikaw ba? - ako



May meeting ako after lunch, siguro maya maya baka pumunta na ko - pips



Tumango nalang ako sa sinabi niya. Pero bago pa siya maka labas ay nag salita ulet ako dahilan para ma pa hinto siya.



May laban tayo mamayang gabi. Wag nyong sasabihin kila bricx - ako


Bakit? " pagtataka niya" - pips


Laban naten to, hindi sila kasali - ako


" tumango naman siya bago sumagot " sure, sabihan ko na din sila cia - pips



At tuluyan na siyang umalis. Inaayos ko na din yung wedding dress ko, dahil ikakasal na din kami ni bricx. Habang si blair at saimon naman kasal na. Si pipper at matt. Wala pa silang plano sa ngayon.



Knock... knock....

Come in... - ako

Saff nabalitaan ko may laban kayo mamaya " alam ko naman na kung sino yan. Si shin lang naman at wala ng iba. Ganun parin naman siya at walang pinag bago " - shin



Yup, bakit? - ako



Wala. Kahit ayaw ko man " sabay tap nung kamay niya sa ulo ko. Ano ko aso? " ginusto nyo yan. Basta mag iingat kayo. Yung mata mo ha ingatan mo yan - shin




Ngumisi naman ako sa kanya, dahil wala talaga siya pinag bago.


As always shin, ayan naman lagi mong bilin - ako


Tumawa naman siya. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko pero apura tawa niya. Baliw na ba yung kapatid ko? At oo dito sila ni ate fria nakatira sa mansion.  Ang umalis lang naman ay yung tatlo.



Sige na. Tignan ko muna schedule ko - shin



Tumango ako sa kanya at lumabas na siya sa kwarto ko. After ng wedding nila ay naging busy ulet sila ni ate fria sa mga show nila. Dahil sa busy sched nila minsan naiisip ko, na baka mag hiwalay siya ganun. Pero hindi nagagawan naman nila ng paraan magkita.



Tumayo na ako at nag ayos na dahil pupunta na ako sa office. Ginamit ko yung isang kotse ko dito, dahil hindi ko naman na nagagamit yun.


Hindi naman nag tagal ay nakarating na ako sa office, bumungad kaagad saakin yung greetings nung mga empleyado namin.


Dire diretso lang ako nag lakad. Wala pa rin naman bago. Seryoso pa rin ako. Madalang ngumiti, gusto ko kasi maging maayos ang trabaho ng mga tao dito.

At sanay na din naman sila sa ugali namin.


Saff " napalingon naman ako dun sa tunawag saakin, walang iba kung hindi si cianna " sino kalaban naten? - siya

Flame jade gangster, pang apat sila sa ranking ngayon - ako


Umupo si cia sa sofa, at inabot saakin yung folder na hawak niya. Alam nyo kung ano yung laman? Yung mga design lang naman na dapat namin gawin next month.


This TimeWhere stories live. Discover now