02

8 2 0
                                    

Hide or Seek by PalesInParadox 02 ___________________________


"YNARO!!!"

Nagising ako sa boses nanaman ni megaphone...este Dessa. Pagtingin ko sa orasan ay 6 am na.

Umupo ako sa kama ko, hinihimas ang mga mata, at narinig ko ang yabag ng mga paa ni Dessa paakyat dito.

"Ynaro!! Magbihis kana para matagal tayo makaikot! Bilis!" Inalog alog niya pa ang mga balikat ko.

"Oo sige magbibihis na ako, dun ka muna sa labas." Sabi ko at humikab pa. Lumabas na din naman si Dessa. I stretched my arms and my back. Pag tingin ko doon sa study table ko, may nakapatong na polo shirt at box ng Relo. Nagtataka ko itong nilapitan at nakitang may dalawang letter.

Happy Birthday, Anak. Mahal na mahal ka namin ni Papa mo. Iyon ang nakasulat sa papel na nasa box ng relo.

Yung blue na polo shirt naman ay nakaplastic pa. I knew I didn't have this polo shirt. Happy Birthday, Ynaro. Late ka nanaman gumising -Dessa

Napangiti ako dahil doon, pero no time para kiligin dahil naririnig ko nanaman ang boses ni Dessa na tinatawag na ako.

Mabilis akong naligo dahil nga nagagalit na ang megaphone. Nag-ayos at sinuot ang relo at Polo shirt na niregalo nila sakin.

Pagbaba ko ay nandoon na si Audessa, nakaayos na.

Beautiful, as always.

Yung buhok niya, nakakulot. Bagay na bagay sakaniya yung dress na niregalo sakaniya ni mama. Light make up lang, natural Beauty. Ang bango bango pa. Buti na lang naligo din ako sa pabango kanina.

"Ynaro! Ano ba! Kanina pa kita tinatawag. Speechless ka nanaman dahil sa ganda ko, crush na crush mo nanaman ako!" Pang-asar niya pa. Agad akong umiwas ng tingin sakaniya, pero hinila niya na ako palabas ng bahay.

"Tita una na po kami! Babalik po kami ng 8 ng gabi!" Sigaw niya.

On the way to the mall, I suddenly remembered about the bracelet that I wanted to give her, designed with a sun, while the necklace has a moon for a pendant. The pendants were built only half and you can connect then to each other.

After a few minutes we finally arrived at the mall, Dessa was easily distracted by the arcade and wanted to go there. She started playing the crane. Pero tawang tawa ako ng makitang nakasimangot siya dahil hindi niya nakuha yung gusto niyang stuffed toy. Nagtingin ako sa iba pang crane, and I smiled the moment that I saw a stuffed megaphone. Maliit lang yun pero ang cute dahil nga megaphone iyon na stuffed toy.

Habang hindi nakatingin si Dessa ay agad ko na itong kinuha, I failed the first two times but finally got it on the third time I tried. Agd akong pumunta sa cashier dahil gusto ko itong ilagay sa paperbag. Nilagay ko din dun yung box ng bracelet at pinaiwan muna sa cashier para hindi makita ni Dessa.

I started looking for her and I found her playing basketball, pero walang pumapasok na bola. So I joined her in playing and her points just went up. Tawang tawa siya nang makita ako.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"You underestimated me." Tawa niya at lahat ng bola na binabato niya ay pumapasok na sa ring. "I knew that you'd help me if you saw it like this, ngayon doble na points!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hide Or Seek Where stories live. Discover now