MY MISERABLE LIFE.

262 5 2
                                    

My Miserable Life.

"Masaya ka na?" malamig kong tanong sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. "Siguro naman masaya ka na sa nangyare saken."patuloy ko pa. "Mag-isa nalang ako sa buhay. Diba ito yung gusto mo? Ang maghirap ako, ang masaktan ako, eto na. Nangyare na. Wala na yung kaisa-isang taong nagmamahal saken at karamay ko sa buhay. Nawala dahil sa pagiging selfish mo."Bawat salitang binibitawan ko ay puno ng paghihinagpis, punong puno ng pag-sisi. Pagsisi na sana ay hindi ko nalang nakilala ang taong nasa harapan ko ngayon.

**

Ako si Mikaela Ynarez. Labing siyam na taong gulang, kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Laguna. Hindi kame mayaman, bagkus ay mahirap lang kame. Estudyante ako sa umaga at service crew naman ako sa gabi sa isang fast food chain malapit sa aming unibersidad. Isang sem nalang at makaka-graduate na din ako.

Tanging lola ko nalang ang kasa-kasama ko sa buhay, namatay kasi ang mga magulang ko sa isang car accident noong sampung taong gulang palang ako. Sa katunayan ay maayos naman ang buhay namin noon, nakakakaen kami ng maayos, lagpas pa sa tatlong beses sa isang araw. Pero simula ng mamatay ang magulang ko ay unti-unting nawala ang naipundar nila. Isa isang kinuha ng banko ang pag-aari namin, ang lupa at bahay, sasakyang naipundar ni daddy mula sa trabaho nya sa kadahilanang marami daw naging utang si daddy at isa pa daw ay matagal ng nakasanla ang lupa't bahay namin, kaya ngayon ay nakatira kami sa isang maliit na apartment na inuupahan namin buwan buwan.

Nagtataka ba kayo kung paano ako nakapasok sa isang sikat na unibersidad dito sa laguna gayong mga mayayamang tao lamang ang may kakayahang makapasok sa ganitong unibersidad at hindi ako kabilang sa mga yun dahil hindi kami mayaman. Syempre nagsikap ako, pinag-igi ko ang aking pag-aaral para makakuha ako ng scholarship sa aming bayan at dahil sa pagsisikap ko ay nakapasok ako sa unibersidad na ito, libre ang lahat liban na lamang sa mga sobrang kapal na reviewer na dapat mong ipa-photocopy at pag-aralang mabuti. Mabuti nalang at may trabaho ako at natutugunan ko ang mga pangangailangan namin ni lola.

Masayahin akong tao, lahat ay nakakasundo ko at mabilis kong nakakapalagayan ng loob. Masaya ang buhay ko kahit kaming dalawa nalang ng lola ko ang magkasama sa buhay. Nagbago lang ang lahat mula ng makilala ko sya.

Vince Punzalan. Ang taong akala ko ay masasandalan ko sa oras ng aking pangangailangan, ang taong sumira ng buong pagkatao ko, ang taong naging dahilan kung baket nawala ang mga ngiti sa aking labi, ang taong naging dahilan ng pagkawala ng kaisa-isa kong kasangga sa buhay, ang taong naging dahilan kung baket naging miserable ang aking buhay.

Again I'm Mikaela Ynarez and welcome to My Miserable Life.

=====================================================

=====================================================

Follow me on twitter.com/ukissmeful

Ask me at Ask.fm/ukissmeful

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Miserable Life (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon