LABING APAT

4 2 0
                                    

••••••••••

Tj

Hindi ko alam kung san nanaman ako pupunta ngayong umaga andito lang kasi ako sa isa sa bench dito pano ba naman kasi yung mga lalaki syempre basketball si Geia volleyball pero akalain mo mga naman member den pala ng volleyball si frogie? Mapapa sanaol ka na lang eh

Ano kayang talent ko bukod sa pakikipag away? Hindi na muna ako pupuntang Mellyu saka na lang siguro ..pero anong gagawin ko ngayon?

Maliban sa kumain sa cafeteria? Wala na! Kagagaling ko nga lang dun eh bumili ako snacks ko kaya hindi ako nagugutom ngayon ..busy lahat ng estudyante dito kaniya kaniyang ginagawa pero ang hindi ko gets bakit may mga lovers sa paligid aber? Kasama ba yon sa sports nila? Nakakagigil!

Habang kumakain ako may biglang umupo sa gilid ko at sino siya para umupo ng walang paalam? Handa na kong ihampas yung bag ko kaso pag tingin ko si .....ahhh si diamond!

Ano naman ginagawa nito dito?may practice sila ah?

'Ginagawa mo dito?may practice kayo diba?' Pinag patuloy ko na lang yung pag kain ko

'Papunta na ako don kaso nakita kita dito kaya dumiretso nako dito..wala ka bang kasama?' Halata naman na wala akong kasama nag tatanong pa ito

'Dzuh wala noh?may nakikita ka bang kasama ko na hindi ko nakikita ?may third eye ka?' Syempre joke lang yon nag papagaan lang ako ng hangin sa paligid ayunieee

He chuckled ' ofcourse wala tara sa gym andun yata sila kesa wala kang kasama dito ' ah natouch ako ng konti

'Hindi na ayoko don andun si Xaviel bakla eh' ayoko makipag tarayan sa bakla na iyon ako natatalo eh

'Haha sige kung ganun mauuna na ako baka hinahanap narin ako ' sabay tayo niya at nag wave sakin nag wave naman ako pabalik at nag lakad na siya

Hay mag isa nanaman ako alam ko na dun na lang ako sa garden sa lagi naming pinag tatambayan

Sininop kona yung mga pagkain ko at patayo na sana ng bigla uli akong mapaupo badtrip sino nag bunggo sakin?nakakainis ah ang luwang luwang ng daanan!

'Stupid'  bulong nito aha!bulong pa lang alam kona

'Ang luwang luwang naman ng daanan aber?bat dito kapa dumaan?' Eto nanaman po tayo nakita ko nanaman yung bakla eto!

'Sorry mybad!' Kita mona! Kita mona! Ang arte arte

'Lumayas ka na nga dito kala ko ba may practice kayo kanina pa sila andun' umupo na lang ako ng maayos saka siya tiningala matangkad siya eh hanggang leeg lang yata ako bat kasi hindi ako biniyayaan ng height?

Pero nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko ano gagawin nito dito?may practice sila ah

'Diba may practice kayo?bat ka andito chupii kakain ako '

'Tsk edi kumain ka jan -wala kang kasama dito kaya dito na muna ko- ' bulong lang niya yung dulo pero rinig ko nag linis yata ako ng tenga kanina  hihi

Natahimik ako sa sinabi niya eto nanaman heartbeat tumahimik ka muna nakikipag sabayan ka naman sa pagiging racer ko ih

'Uhm...gusto mo...?' Pag alok ko sa kaniya sa kinakain kong junkfood hindi ako nag breakfast kanina nakalimutan ko yata haha antanga eh mas inuna ko kasi yung paglilinis ng tenga ko

'Hindi ka ba nag breakfast?bat andami ng junkfood sa gilid mo?'  Hindi nawawala sakaniya ang pag tataray hano? Maganda nga yung pananalita pero yung tono ang taray!

Racing HeartbeatWhere stories live. Discover now