Prologue:
"Doc, nasa room 404 napo ang inoperahang pasyente kahapon." ani mika isa sa mga nurse, "Doc, nais raw oh kayong kausapin ng anak ng pasyente." napatigil ako sa pagsusulat at napatingin kay mika na may takot sa kanyang mga mukha.
tumango ako at nginitian siya, pagod ako dahil kakatapos ko lang magrounds sa mga pasyente, "Pakisabi kay zeke, eto ang reseta para sa pasyente sa room 209." tipid kong bilin kay mika na agad namang tumango at kinuha ang reseta.
agad kong kinuha ang white coat ko na nakasabit at iniwan na si Mika upang puntahan ang pasyente sa room 404.
ngumiti ako sa bawat nakakasalubong ko sa hallway, pagod na pagod ako ngunit ito ang aking trabaho, serbisyo sa bawat tao. " Doc, maraming salamat po." isang batang babae ang lumapit sa akin at may dalang suman.
ngumiti ako at lumuhod para makausap siya." Para saan?"
"Iniligtas niyo po ang buhay ng papa ko," inosentang sagot niya, tinapik ko ang kanyang balikat dahilan kung bakit napangiti siya. " Doc, paglaki ko gusto ko po maging katulad niyo."
tumango ako, "Talaga, mag aral kang mabuti at pagpatuloy mo ang pag abot sa iyong pangarap." sagot ko bago siyang magpaalam dahil nagising na raw ang kaniyang ama.
Nasa harap nako ng room 404, malalim ang paghinga ko at parang hindi ko kayang gumalaw.
kinagat ko ang ibabang labi ko at aktong bubuksan ang pinto nang biglang bumukas ito at bumungad sa akin ang isang lalaking matangkad sa akin.
Nakaheels na ako ngunit mas matangkad pa rin ito kaysa sa akin, " Hi." tanging nasagot ko lamang.
malamig ang titig niya sa akin at pinagekis niya ang kanyang mga braso habang hindi ko alam kung bakit ang tahimik ng lalaking ito.
Nakasuite ito at iisipin mong galing sa opisina at dumiretso ka agad rito sa Hospital, inangat ko ang aking ulo at nasilayan ko ng tuluyan ang kanyang mukha.
Mestiso, mapungay ang mga mata na animo'y walang emosyon matangos ang ilong at ang kanyang mga labi'y mapupula at ang kaniyang buhok ay clean cut.
" Doctora vasquez magtititigan nalang ba tayo rito?" bumagsak ang puso ko sa lamig ng kaniyang mga boses parang gusto kong tumakbo palayo sakanya.
Rinig ko ang paglapit ng nasa likod niya, "Love? nandyan na ba ang doctor na sinasabi ni mommy?" para napunit ang puso ko sa gitna nang marinig ko ang boses ng malambing na babae sa likod niya.
tumabi ito upang masilayan ako ng tao sa likod niya, isang ngiti ang sumalubong sa akin at iginaya ako sa loob ng silid. bumungad sa akin ang isang matandang babaeng pasyente ko kahapon na inoperahan.
gising na ito ngayon at nang makita ako'y nais nang umupo, tinulungan agad ito ng babae, " Doctora, maayos na ngayon ang aking pakiramdam..." nanghihinang sambit nito.
Ngumiti ako, "Mabuti naman oh, pinabigay ko na oh ang inyong reseta at kapag sumakit ang inyong tahi dapat mo po itong–" hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Doctora, maraming salamat pinanghawakan ko ang sinabi mo sa akin sa operating room na makikita ko pa na ikasal ang anak ko..." nadurog ang puso ko.
tumango ako at ngumiti, " Makikita niyo na pong ikasal ang kaisa isa niyo pong anak..." tumingin ako sa anak niya at sa lalaking nagbukas ng pinto kanina na ngayo'y nakatingin lamang sa sahig naparang malalim ang iniisip. " Makikita niyo pa po na gumawa ng masayang pamilya." inakala ng pasyente na hindi magiging successful ang operasyon niya sa kaniyang mata at mabubulag siya.
Niyakap ng babae ang kaniyang ina at humalik sa noo nito, " Ma, we're getting married na next month." anito na nagpalamig sa aking mga kamay para akong naestatwa roon.
"Talaga, Morgan nagpropose kana sa anak ko?" masayang sambit ng ina nito na kinagulat ng lalake at napatingin sa akin iniwas ko ang aking tingin.
Napapikit ako, sino ba 'ko para sirain ang kasiyahan ng isang inang naghahangad ng isang masayang buhay para sa kanyang anak, " Ahm, mauna na oh ako." bago pa magsalita ang lalake ay lumabas na ako sa silid.
Mabilis akong lumayo sa silid na iyon pakiramdam ko hindi na ako makakahinga kung magtatagal pa'ko. agad akong nagtungo sa aking opisina at isinarado ang pinto
inalis ko agad ang aking white coat at sinignalan si Mika na huwag munang magtatanggap ng Pasyente. umupo ako sa aking upuan at hinilamos ang aking mukha
" Mom?" bungad ko nang tawagin ko ang aking ina.
rinig ko sa background na nasa labas ito, marahil nasa out of town sila ni dad, " Yes, anak kamusta ka?" napakagat ako sa aking labi at agad na tumayo para isara ang blinds ng aking office makikita ako sa labas kapag nakabukas 'yon.
nanginig ako at doo'y tumulo na ang aking mga luha, " Mom, I want to take a break." iyon ang tanging nasambit ko na alam kong naiintindihan ni mommy.
I am their heiress, ako ang nagtake over ng pamamahala ng Hospital at nagretired na sila bilang doctor. rinig ko ang pagsinghap ni mommy sakabilang linya, " Kakausapin ko si Doctora Viola para bigyan ka ng leave, Darling I am sorry if naging hard ka sa sarili mo, we know that we forced you to be better noon–"
" Mom, naiintindihan ko 'yon." sagot ko at marami kaming napag usapan ni mommy about sa mga countries na pinuntahan nila ni dad yung mga nakakakilala nila sa bawat lugar
I am so happy that finally they took a day off, buong buhay ko busy sila mom at dad sa pag aasikaso ng Hospital, at nung grumaduate ako at nakakuha ng lisensya sa medisina hinayaan na nilang ako ang magtake over ng hospital of course kasama ang aking tiyahin na tumanda na sa pagdodoctora, doctora viola.
inayos ko ang sarili ko at hinayaan na tumanggap ulit ng Pasyente, " Kailangan mo ng pahinga ija, hindi pwedeng panay ang puyat mo kakatrabaho't lalo na at may hypertension ka." saad ko sa dalagang call center agent na nagpatingin sa akin.
malungkot ako dahil sa batang edad nito'y marami na siyang gamot na kailangang inuman, may maintenance na siya kitang kita ko sa mga mata niya ang pagod kung kaya't inadvise ko sakanyang magpahinga ng isang linggo.
" Mika, last Patient." ani ko kay mika sa telepono.
habang may sinusulat ako ay pumasok na ang last kong pasyente bago ako magtake ng leave, " Maupo oh kayo." ani ko habang nakatingin pa rin sa sinusulat ko.
ramdam kong umupo ito kaya't inangat ko ang aking ulo ngunit naestatwa ako sa taong nasa harapan ko, malamig pa rin ang titig nito sa akin, " A-anong ipapacheck up mo?" tanong ko.
Suminghap siya, " Yung puso ko." tipid niyang sagot, tumango ako.
" Anong nararamdaman ng puso mo? anong masakit?" tanong ko habang kinukuha ang stetoscope ko.
" Sobrang sakit." anito na walang emosyon.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ako kung kaya't nanatili nalang akong professional, " Tuwing kailan ito sumasakit? matagal na ba? may mga sintomas ba?" sunod sunod kong tanong.
" Tuwing nakikita kita, tuwing naiisip kita, tuwing may mga tanong sa isip ko tungkol sayo, kelan? matagal na? mula nung iniwan mo'ko." sagot nito na nagpaiwas sa akin.
itinago ko ulit ang stetoscope ko at blankong tinitigan ko siya, " Morgan, ikakasal kana nakamove on ka na palayain na naten ang–"
" Hindi ako makalaya sayo rafiela, bakit mo'ko iniwan?" tanong nito na punong puno ng sakit, umiling iling ako at tumayo para kunin ang white coat ko at bag ko ngunit pinigilan niya ako. " Gusto ko ng sagot raf."
Hinawi ko ang hawak niya sa akin, " Hindi kita iniwan, niloko mo'ko." tinulak ko siya at iniwan siyang tulala sa opisina ko.
----continue..