SIMULA

5 0 0
                                    



Surviving in a path you choose to take is different. Mga bagay na sa umpisa pa lang ay alam mong kakaiba pero mas pinili mong tahakin dahil doon ka mas kumikinang. You have all the support coming from everyone, ibang iba sa mga katulad mong tinahak ang daan dahil lamang sa kagustuhan ng kanilang magulang.

"Alonzo got the highest score of 97 in your final exam" our professor announced before giving the test results. I happily exhaled after receiving claps from my blockmates.

"Sir, kahit di niyo na sabihin alam namin" pasigaw na sinabi ng isa sa mga classmate ko. Buti nga di naiinis ung prof naming, mabait kasi.

"Congratulations Keep, since 1st year ikaw parin ang top" Sean speaks, she is my bestfriend in my entire college journey.

"Isang sem na lang graduate na tayo, mapapalitan din lahat ng sakripisyo" I smiled at Sean. Tiningnan ko kung nasaan ang prof namin pero umalis na yata.

This is our last class of the day at last in school na rin kasi christmas vacation na. Studying interior design does not just designing houses it does turning a house to home. Interior designing is a work where 'improvement' is always the answer. Transforming houses is like transforming a family. Hindi lang sa disenyo na gawa ng isang interior designer nakikita ang kanyang kahusayan, it is on spaces he/she redefine. Mga espasyong binibigyan niya ng mas magandang depinisyon. Blank spaces to places that accomodates a person to feel like home.

"Oy Keep, salamat sa mga turo mo"
"Oo nga Keep, sa susunod ulit"


Tumango at ngumiti na lang ako habang inaayos ang aking bag at nagsimula ng lumabas sa classroom. Kaming blockmates kasi everytime na may hindi masyadong naunawaan sa discussion ay pinagtutulungan namin na pag-aralan.

"HOY KEEP HINTAY NAMAN, NAGMAMADALI? MAY PUPUNTAHAN?MAY DATE? MAY NAGHIHINTAY?" di pa ako tuluyang nakalabas ng classroom nagsimula na naman ang mouth gun ni Sean

"Walang naghihintay, buti nga kesa naman sa may hinihintay na iba" patawang sagot ko kay Sean

"Hoy Sophistiquee Penelope mukhang nasapul ako HAHAHAH" baling ni Sean

May boyfriend kasi from nursing, same level namin. Minsan nga sinasama ako sa mga gala nilang magjowa. Pinapakilala niya rin ako sa mga friends ng jowa niya pero wala pa naman sa isip ko. Bka kasi pagalitan ako nila mama. Napakaswerte ko na nga kasi pinayagan ako sa course ko kahit ang gusto sana nila is tungkol sa heatlhcare kasi nasa abroad sina mama at papa. Pero thankful narin ako kasi sa kabila ng kagustuhan nila ay binigyan parin nila ako ng pagkakataon kaya tinodo ko na.

"Hintayin mo pa ba o uuwi ka na?" baka kasi may date ung isang to. Every friday kasi lumalabas sila.

"Nasa may parking area na daw ng building natin, ano sabay ka?"

"AYOKO! Isasama niyo lang ako sa pupuntahan niyo. Uwi na ko, lilinisin ko pa ung sasakyan ngayon. Ingat! Enjoy! Happy holidays!" bilis kong sinabi kay Sean at tinalikuran ko na siya.

"Uwi agad a! Wag maghanap ng boys HAHAHA bibisita ako sa bahay niyo para makita si kuya Lead" kahit kailan walang inuurungan tong bunganga ng babaeng to.

Naglakad na lang ako palayo sa kanya. Buti na lang may girlfriend si kuya dahil baka isang araw gigising ako na araw araw may Sean sa bahay.

"Miss, saan dito ung faculty ng interior design?" ginulat naman ako nito. Bigla bigla na lang nagtatanong.

"Ah? Deretso ka lang tapos makikita mo na agad ung signage nila" alam na alam eh pano suki ako doon. Puro 'Miss Alonzo may ibibigay akong handouts pakikuha dito sa faculty room' mukha na nga akong secretary minsan ng faculty room. Palaging ako ung nakikita sa klase.

"Thanks miss"

Hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sumalampak ako sa dulo ng jeep at nagsimula ng ilagay ang earphones sa tenga para makinig ng music. Mga 30-45 minutes pa kasi ung bahay namin from school. Minsan drinadrive ko ung kotse ko pero mas hilig ko talaga ung mag commute.

Pababa na ako ng jeep ng biglang tumawag sa messenger si mama.

"Oh anak kamusta ang exam? Sorry ngayon lang nagkaroon ng time na tumawag kasi madaming ginagawa" si mama kasi ay nurse na naka base sa emergency room.

"Okay naman ma, inannounce lang ng prof namin kanina ako ung nakakuha ng highest score sa interior design 3A na subject namin"

"Aba talagang anak nga kita, mana ka sakin anak" proud na proud na sabi ni mama sabay tawa

"Si papa nga po pala ma?"

"Pumunta na ng work anak, tatawagan ka daw pagkatapos ng work. Sige anak may duty pa kasi ako. Ingat ka palagi. I love you"

"I love you too ma, ingat din kayo. EXTRA ALLOWANCE NAMAN JAN"


"Oo na, bibigyan kita ng extra. Manang mana ka talaga sakin. Pakisabi sa kuya mo na tumawag din. Sige na anak" in-off na ni mama ung tawag.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng bahay namin. Dalawa lang kami ni kuya dito. Nasa work pa siguro un hanggang ngayon. Paminsan minsan dinadalaw kami ni Tita para tulongan sa gawaing bahay. Buti na lang talaga sanay kami ni kuya. Hindi naman masyadong malaki ung bahay pero okay na din. Dalawang palapag ang bahay namin, may garden at meron din kaming tatlong kotse. Magaling kasi ung parents namin na mag-ipon kaya ayon pag nagkapera bumibili ng mga kailangan sa bahay.

Pagkapasok ko sa kwarto nilapag ko muna ang mga gamit ko ng narinig ko na ang sasakyan ni kuya. Naligo na ako a bumaba para kumain.

"Keep, may kasama pala ako. Si Shawn at Eli mga trainees sa firm noong summer. Nagkayayaan lang kasi wala ng pasok" ngumiti naman ung dalawa.

"Sir, di mo naman sinabi na may kapatid ka palang babae. Baka sa susunod ako na magyayaya sainyo lumabas HAHAHA. Hi, shawn nga pala" nilahad ng Shawn ung kamay niya para makipagshakehands at inabot ko rin naman

"Keep" sabay shakehands

The man who asked kung saan ung dept room namin ang sumunod na tumayo. Diko naman alam na kilala to ni kuya, hindi ko rin naman masyadong nakikita sa Univ to.

'Im Eli'




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After BuildingWhere stories live. Discover now