Chapter 1.

68 7 3
                                    

ASHA POV

Sumusuray akong naglakad palapit sa gate ng aming bahay.
Ang dilim, malamang tulog na ang mga tao dito, sino ba naman kasi ang gising sa ganitong oras..Alas dos ng madaling araw.

Nagdorbell ako ng nagdorbell pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.
Arghhhh and it's so malamok here , gonna text Ashi na lang.

To: Aashi

Aashi I know you're awake. Will you please open the door! Kinakain na ko ng lamok dito!!!
If di mo bubuksan to sisigaw ako dito.. magigising mga neighbors sige!

Text ko sa kakambal kong si Ashi.. Ofcourse alam ko na gising pa sya kasi lagi naman nya ko inaantay kahit di naman kailangan.

FROM: Aashi

Bubuksan na.

Reply nya. Hindi ko pa man na itatype ang reply ko sa kanya ay dahan dahan ng bumukas ang pinto kasabay ng pagbukas ng ilaw.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong nya habang papalapit sa gate.

"Duh!May nag party ba na umuwi ng maaga?" sagot ko,habang nagmamadaling pumasok pag kabukas nya ng gate.

"Napapadalas pag labas mo Asha." Sabi pa nya habang nakasunod sa akin na parang sya ang nanay ko.

"And so? Ts,Mind your own life ash.."

"ASHA!!"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng marinig ko galit na boses ni kuya.

"Hindi ka na nga nagpasalamat..Nakuha mo pang magmaldita!" sambit nya habang bumaba sa hagdan.

"Gawain ba ng matinong babae yang uwi mo?" tanong pa nya.

Uh here we go again.

"Kung ang example mo ng matinong babae ay si Aashi, HINDI TALAGA AKO YON,AT KAHIT KELAN HINDI AKO MAGIGING GANON SA MATA NYONG LAHAT!" pabalang kong sagot kay kuya.

"Asha!" saway sakin ni Ashi

Lalapit pa sana sa akin si kuya ngunit pinigilan ito ni Ashi.
Sinamantala ko naman ang pagkakataon upang umakyat na.

"Oh,by the way! Thank you ASHI THE FAVORITE."Baling ko sa kanya at tuluyan ng tumakbo paakyat sa aking kwarto.

Agad kong sinarado ang pinto at sumandal sa likod nito,Hindi ko namalayan na nag uunahan na pala sa pagtulo ang aking mga luha.

ASHI POV

Oh,by the way! Thank you ASHI THE FAVORITE."

Sabi nya bago tuluyang tumakbo paitaas.

Ashi hayaan mo na lasing lang yon. Usal ko sa aking sarili

"Napakatigas talaga ng ulo ng kakambal mo,Ang sakit sa ulo!" sambit ni kuya habang umiinom ng tubig.

"Hayaan mo na,Lasing lang yon." Sabi ko sa kanya

"Pinawiwili mo kase, kaya ayan!Malamang kung andito sila mama at tatay .. Grounded na yan matagal na!"

"Kung ikaw din ganon oras umuwi pag bubuksan din kita." Baling ko sa kanya

"Ewan ko sayo! Umakyat kana at ako na mag lolock ng pinto."

"Sige kuya, Goodnight."

"Goodnight din." Sabi pa nya sabay halik sa ulo ko.

Dali dali na akong umakyat sa aking kwarto.
Sandali akong huminto sa pintuan ng kwarto ni Asha ng maulinigan ko ang mahihina nyang hikbi.

Kakatok pa sana ako ngunit minabuti ko na lang na hindi na at baka lalo lamang sya magalit sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako habang papasok sa aking kwarto.

Hayyyy, Asha,kailan mo ba makikita na hindi mo ako kakumpitensya.. na hindi ako ang paborito gaya ng palagi mong sinasabi.

Kinabukasan

Maaga akong nagising. Kaya naghanda na din ako ng umagahan namin.
Kung itatanong nyo if may katulong kami? Wala! Kahit na sa village kami nakatira hindi kami pinalaki ng magulang namin ng may katulong, Bata pa lang kami alam na namin ang gawaing bahay.

Pagkatapos kong magluto at ayusin ang lamesa, ay umakyat na ako para gisingin ang mga kapatid ko.

"Kuya!Baba na kakain na." katok ko sa kwarto ni kuya.

"Saglit!" sigaw nya.

Sinunod ko namang katukin ang kwarto ng kakambal ko.

"Aasha!Baba na kakain na tayo." katok ko.

"Aasha?Kakain na tayo bunso." muli ko pang tinangka syang gisingin.

"Hindi pa ba nalabas? baka di pa gising." sabi ng kakalabas lang na si kuya mula sa kanyang silid.

"Hindi ko nga alam, Kanina pa ko nakatok." baling ko sa kanya.

Lumapit si kuya at pinihit ang seradura.

"Oh! di pala naka lock." tinulak ni kuya ang pinto at tuluyang pumasok.

Nakasunod ako sa pagpasok ni kuya.
Nabaling ako sa kama ni Asha at nakita na wala namang nakahiga doon.

"Wala si Asha kuya! Diba umuwi sya?"

"Baka maaagang umalis! o baka umalis din nung natutulog na tayo." Napapailing pa si kuya habang sinasabi yon.

"Halika na!Kumain na muna tayo,Tawagan mo na lang si Addi or si Harry mamaya baka nasa kanila lang yon." dagdag pa nya at tuluyan ng bumaba.

Sinara ko naman ang pinto at sumunod na kay kuya.

Pagkatapos naming mag umagahan at mailigpit ang pinagkainan ay dali kong kinuha ang aking cellphone,upang hanapin at tawagan si Harry isa sa kaibigan ng kambal ko.

- Calling Harry

Ringing , Ringing, Ringing,

Harry: "Hello Ashi, Bakit ka napatawag?"

"Hi,Tatanong ko lang sana kung nandyan si Asha sa inyo?"

Harry: "Huh! Hindi ba sya umuwi kagabi?"

"Umuwi sya, alas dos na nga yon eh.. tapos nung umaga gigisingin ko para kumain, kaso ayon wala na pala."

Harry: "Aish! saan kaya nagpunta yon? Wala sya dito Asha eh."

"Ganoon ba, Sige salamat kuya! Pasensya na sa abala ha."

Harry: "No problem Ash! Gonna Ask Addi nalang din.. tapos balitaan kita kung may alam sya!"

Napabuntonghininga ako ng ibaba ko ang tawag.
San nanaman kaya nagsuot yon, Malamang lagot nanaman kay kuya mamaya yon pag uwi nya.

"Anong sabi ng kausap mo? Nandoon daw ba yung magaling mong kapatid?"

"Wala daw doon sabi ni Kuya Harry, tanungin na lang daw din nya si ate Addi kung andon."

"Hays! Kelan kaya babalik sa dati yang kakambal mo.. Lalo pang lumalala eh!" sabi ni kuya habang hawak at marahang hinilot ang kanyang sintido.

"Okay ka lang ba? Sumasakit nanaman ba ulo mo kuya?" nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako,Nakirot lang.. Akyat na muna ko sa taas, tawagin mo na lang ako pag dumating si Asha."

"Sige kuya! pahinga ka."

-------

Picture of Aashi and Aasha in the multimedia 😊

* Thankyou for reading, Dont Forget to Vote, Leave Comment (if u want) and Enjoy !
- Gim 🌙

INTERSECTIONWhere stories live. Discover now