Kabanata 1 : Ang Pagtitipon
Bago matapos ang buwan ng Oktubre , nagdaraos ng isang pagtitipon si Don Santiago de los Santos o kilala sa tawag na Kapitan Tiyago. Ang kapitan ay naging tanyag dahil sa kanyang pagiging matulungin at mapagbigay. Matatagpuan ang bahay ng kapitan sa kahabaan ng Daang Anloague na malapit sa pampang ng Ilog ng Binundok na nagiging paliguan at igiban ng mga Tsino.
Napakasaya ng bahay ng Kapitan noong gabing iyon dahil puno ito ng mga maliliwanag na ilaw , mga kalansing ng mga kubyertos at magandang tugtugan ng orkestra. Sa isang tabi makikita ang pinsan ng kapitan na si Tiya Isabel na siyang tumatanggap ng mga bisita at siyang bumabati sa mga ito, hindi masyadong marunong mag Espanyol ang matandang babae kaya't dinadaan niya nalamang ito sa pagaabot ng tobako o kaya paghahalik sa kamay ng mga bisita.
Ang mga panauhin ay nasa bulwagan, hiwalay ang lalaki sa babae gaya ng kinaugalian sa simbahan. Makikitang ang mga kababaihan ay naguusap ng pabulong at malumanay samantala sa kabilang dako naman ay ang mga kalalakihan ay maingay at masayang naguusap.
Ngunit ang pinaka namayani