1

7 1 0
                                    


"San na si Zoe Kelsey Manalo?" Tanong ng isang lalaki na medyo may katandaan ng kaunti sa'kin

Nandito kami ngayon sa SEKIBO ito ay secret kick boxing cho cho, ewan ko ba. Lahat nang mayayaman ay pumupunta rito para tumaya pumipili kung sino ang bubutuhin, kapag manalo ay dubli pa ang makukuha nilang pera.

"Nandito ho!" Sabi ni danny sa lalaki

Si danny kaibigan ko pala, gwapo, matangkad, medyo maputi, matangos rin ang ilong. Marami ang nag kakagusto sa kanya pero 'di  masyado interesado sa mga relasyon, sa pagkakaalam ko 'lang. Kapatid ang turing namin sa isa't isa.

"Get ready, may twenty minutes ka pa" sabi niya at tinalikuran na kami

Nandito kami ni danny sa isang kwarto na may sofa, tv, lamesa, at locker. Nakaupo ako ngayon sa pinaka gilid nang sofa kaya di' ako masyadong kita kapag may nag hahanap sa'kin. Si danny naman ay nandon sa may lamesa kumakain ng siopao, ginutom ang hinayopak.

Napasin niya yata na nakatingin ako sa kanya

"Oh?! Anong tinitingin tingin mo dyan?!"gulat na sabi niya na puno pa ng siopao ang bibig.

"Wala" sabay kuha ko nung remote at binuksan ang TV

"Ssa shi in in"

"Ano? Ubusin mo muna yung nasa bibig mo bago ka magsalita!... Ssa Shi in in"l mocked him.

At ayon linunok niya muna ang kinain niya bago nagsalita "Sa CNN doon mo muna ilipat, manonood lang ako ng news" at yun nilipat ko nga sa chanel ng CNN, kinuha ko nalang yung phone ko at pinicturan si danny na kumakain, may pa zoom zoom pako, HAHAHA. Napasin niya yata ang ginagawa ko kaya hinarang niya ang kanyang kanang kamay para di makuhaan ng mga litrato.

At pinost ko naman sa IG story ko na naka caption na 'cge kain lang BABOY'

[Breaking news: a deadly virus is  spreading throughout the country-]

"Soraya!" Sabay bukas ng pinto at bumungad agad si Sasha Sakin, kaibigan ko. "Ano?! Huwag ka ngang maingay nanood kami ng news"

"Ayyy!! Galit?"

Inirapan ko nalang siya at tinuon nalang ang atensyon ko sa tv. Putang- totoo ba'to? Bakit nag kakagulo ang mga tao? Bat may puro dugo?

[The infected countries are France, Singapore, India-] "where's zoe? Tara time na" yung lalaki pala kanina, time na pala punyemas.

Bago yata 'to eh no 'di nga ako kilala eh, hayyyssss. Naiirita na'ko sa pa Zoe, Zoe, Zoe niya ha!

Pumasok si coach dave at dala dala na yung boxing gloves ko. "Oh, eto"sabay bigay sa'kin at hinawakan niya yung mag kabilaang braso ko "galingan mo ha, malakas yung kalaban mo."

Si Coach Dave nga pala 45 years old half japanese half pinoy, may asawa't anak na, dalawa ang anak niya si luke at tony ka edad rin namin pero ang panganay ay si tony. Gwapo sila pariho, pero si luke yung type ko dahil yung mukha niya  ay halo, si tony kamukha ni coach  gwapo naman pero si luke talga hehehehe

Si Coach Dave ang nagtuturo sa'min nila Brianna at Kylie. Si Sasha at Danny ay walang ka inte interes sa mga gawain namin pero tinuturoan rin sila ni coach ng pag gamit ng samurai at baril.

"Eyyy, coach gumagwapo yata tayo eh no?" Nakangiti na sabi ni Sasha, alam na alam ko 'tong babae na'to gusto magpalibre

"Syempre!" Nakangiti na sabi ni coach "O, s'ya tara na"

Ang suot ko ngayon ay sports bra na puti, itim na boxing shorts, strap boxing bandage na puti, at itim na may gold na satin robe. Pinasuot na rin ni coach yung puti na boxing gloves sa'kin.

Ito na!  kinakabahan ako pota. Malakas kasi yung kalaban ko ngayon malaki ang katawan mukhang lalaki. Half pinay half impakto, kung tutuusin mukha talaga siya'ng impakto.

Ghrrrr

Goosebumps

Napasin yata ako ni danny "Kaya mo yan, ikaw pa!" Ngumiti siya sa'kin at ngumiti rin ako pabalik.


[Emily jen is on every list strikeforce women championship here at SEKIBO-]

whewww sanaol

[Emily jen enter to the octagon!]

Yung ring ay mukhang kulungan, may bakal na nakapaligid.

[And there she is the first unkown female to ever meddle in the SEKIBO!.... ZOE KELSEY!! or we say SORAYAAAA!!!]

Ayyy bet

"Ladies and gentlemen welcome!! And good eve!"

[And referee in charge of the octagon... DANNN!!]

Ayy taray englishh!!

Linalagyan ako ni coach ng cream sa mukha at pina inom muna ako ng tubig.

"Kaya mo yan! Lahat ng tinuro ko sayo wag mong kakalimutan!! Just focus and don't be afraid nandito lang kami... don't pressure yourself " tumango nalang ako sakanya

Hoohhh!!!

'Stretching'

Nakaharap pa'ko kila coach nang pag talikod ko. Potanginang mukha yan!!

Mukhang piste yung mukha!! Kaya pala  laging  nananalo ehh nakakatakot yung mukha niya. Susmeryusepp

Mukhang galet ahh, nginitian ko nalang siya pero lalong nagalet yata!

Cge 'bala ka 'jan

Nung marinig ko yung bell ay agad na siyang sumugod sakin. Sinisipa niya ako at pinag susuntok,

Arayy ha!!

Kaganda ganda yung pangalan di bagay sa itsura niya!!

Punyemass nakakarami ka na ha!! Ginagawa mo nako'ng punching bag ha!

Lalong nagsisigawan yung tao.

"Emily!! Emily!! Emily!!"

Tumingin ako sa gilid nakita ko si luke katabi ni coach. Huh? Nandito siya! Wtf  sinuntok nanaman ako nang emily na'to, aba sumusobra ka na ha!

Sinuntok ko siya sa mukha at sinipa ko siya sa harap kaya nawala yung balance niya at natumba. Pinag susuntok ko siya at ni lock ko yung braso niya.

"Go SORAYA!!!!" sigaw nila sasha

Linakasan ko yung pag lock ko ng braso niya kaya sumuko, tinap niya yung binti ko kaya tumunog nanaman yung bell.

Tumayo nako pati siya. Hawak pa rin niya yung braso niya, duguan yung mukha at galet na nakatingin sa'kin kaya di'ko nalang siya pinansin.

Binigyan ako ni coach ng tubig at linuwa ko doon sa bucket.

"Sabi ko na nga sayo, yan lang ang tricks eh" sabay bigay ng puting towel sa'kin

"Thanks" sabay ngiti ko sa kanya

Lumapit na'ko sa referee at hinawakan ang kamay naming dalawa ni emily. Hindi na'ko nakinig sa pinagsasabi nila ng nahagip ang aking paningin sa isang lalaki na naka dress shirt na itim at itim na slacks.

Medyo madilim pero nakikita ko siya. Mukhang matangkad siya, maputi at masculado tingnan. Nagulat ako nang mag tama ang paningin namin, seryoso ang mukha niya mukhang nakatingin lang siya sa isang walang kwentang bagay.

Napunta nalang ang atensyon ko sa nag sasalita sa harap namin ng banggitin yung pangalan ko.

"ZOE KELSEY MANALO!!!" Sanaol malakas ang boses.

"Whooo!!! Soraya!!! Kaibigan namin yan!!" Sigaw ni sasha

Binalik ko ang paningin ko kung saan ko nakita ang lalaki kanina pero wala na siya. Saan kaya nag punta yun?







The Beyond (Gates Of Hell)Where stories live. Discover now