2

7 1 0
                                    


"Let's celebrate!" Masayang sabi ni coach

"Coach, pwede po ba bukas nalang? Napagod kasi ho ako" sa totoo lang wala akong gana ngayon eh gusto ko ng matulog.

"O' sya sya sige bukas doon tayo sa mamahaling bar ako na ang bahala sa celebration" sabi niya na nakangiti pa rin

"Congrat's Zoe, well your'e good at fighting i like it" nakangiting bati ni luke sa'kin uminit lalo yung pisngi ko.

"Akalain mo, tingnan mo nga yung katawan mo ang liit pero ang lakas sumuntok grabe!" Singit naman ni sasha

"HAHAHAHAHA" Tawa naman ni danny "yung babae kanina masculado ito tingnan niyo nga wala eh HAHAHA, pero inferness malakas ka HAHAHA," tawa nanaman niya.

I rolled my eyes at him, tskk

"Sha! Pahiram nga ng salamin titingnan ko lang kong may sugat ako sa mukha"

"Oh eto, maliit lang naman yan eh gagamotin ko nalang yan pag makarating na tayo sa bahay" sabay bigay sakin ng salamin

Tiningnan ko ang mukha ko kung may sugat ba. dalawa lang naman isa sa may kilay at isa naman sa may pisngi, puro sipa kasi ang inabot ko don sa babae na yon na mukhang impaktita. Lalagyan ko nalang ng salompas ang buong katawan ko.

Ewan ko nalang kung anong magiging itsura ko neto.

May dala dala akong duffle bag. Naka mom jeans, fitted croptop na black, at sneaker na white ang suot ko.

"So maiwan ko na kayo? Bukas punta kayo sa gym para sabay sabay nalang tayo sa club bukas. 8:30 PM para makapag pahinga si soraya, mukhang pagod na pagod... O sya sya ingat kayo sa pag maneho, una na kami" sabi ni coach at nag lakad papalapit sa kanyang kotse na itim

"Thanks ulet!!" Sabi namin ni sasha at kumaway kaway pa

Ngumiti si luke sa'kin at nginitian ko siya pabalik. Haysss gwapo talaga...

"Huyyy!!" Nagulat ako sa pagsigaw ni sasha malapit sa taenga ko.

"Ano ba?! Sha!! Kailangan ba talaga malapit sa taenga?!" irita na sabi ko kanya

Nabingi na yata ako punyemasss

"Wag kang mag pahalata masyado, namumula kana eh pati sugat mo namumula" tumawa naman silang dalawa ni danny.

"Magsama nga kayo!!"

Nag katinginan silang dalawa at sabay tumawa ng malakas

"Saan mo ba pinark yung sasakyan?" Tanong ko kay danny na 'di pa natatapos sa kakatawa. May pa luha luha pa ang tarantado

"Doon sa bandang gilid" tinuro niya doon sa madilim na parte pero may mga naka'park pa na  sasakyan.

Habang nag uusap kami ay ako ang nauuna sa paglakad pero nakaharap ako kila sasha at danny. Mabilis akong naglalakad paatras nang mabungo ako sa dibdib ng isang lalaki

Irita akong lumingon sa kanya pero napatigil rin nang mapagtanto kung sino ang nabangga ko.

"Excuse me, miss." Malamig na sabi niya

Our eyes met but i emmeditely looked away. Siya yung lalaki kanina! His eyes looked different, kulay abo as in!!

I cleared my throat "I-Im sorry" nauutal na sabi ko, what the heck?!

"Daxon! Let's go, we have a party to catch" sabi nung nasa likod niya na mukhang nag mamadali

Lumingon siya doon sa lalaki at tiningnan nang masama. Kaya nanahimik nalang

"I'm sorry" ulit ko nanaman pero tinalikuran nako.

Sumakay na siya sa kanyang kotse na itim, nang tiningnan ko ulit yung sasakyan FERRARI? what?!

Matt black na FERRARI?!

Binusinahan niya ako kaya napaatras ako nang kaunti dahil nakaharang ako sa daanan, at mabilis niya ito pinaandar.

Bahay

"Grabe ferrari?! Ang yaman!" Ani Sasha, pagpasok palang namin ng bahay yan unang lumabas sa kanyang bibig.

"Sino?" tanong ni bri, nakaupo siya sa sofa halatang kararating rin.

"Oh, ba't ngayon lang kayo?" Singit ni kylie, lumabas siya sa cr halatang kakaligo lang.

"Grabe! Bri may gwapong lalaki kanina-" halatang kinikilig si sasha at tumabi pa kay bri sa sofa.

"Aakyat muna ako, gusto ko munang maligo" sabi ko

"Sige magluluto muna ako" ani danny at dumiretso na sa kusina.

Habang nag bababad sa shower, naiisip ko pa'rin yung lalaki kanina gwapo siya, matangkad, matangos ang ilong, kulay abo ang mga mata, medyo makapal ang kilay at mabango pa, grabe!!

Sobrang yaman naman n'on hayss mahirap maabot.

Nagbihis nalang ako ng dolphin shorts at puting tshirt. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba

"Na'san na si dylan? Ba't wala pa rito?" Takang tanong ko

"May binibili lang" ani danny

"Ahh, k" at umupo na ako sa dinning table, linagay na ni danny yung kanin, pork adobo at chop suey sa lamesa.

Ang Bango. Si danny ang marunong magluto sa'min, at ako naman mga prito prito lang kaya siya na ang taga luto namin.

Ang taray no'? May na kaming chef HAHAHA

"Hmmm, sarapppp... your'e the best!!"sabi ko at sabay tombs up

"Pwede na, pwede na. Will you marry me danny?" Malambing na sabi ni sasha at nagpapa cute pa ang gaga

"Gagi', HAHAHAHAHAHA" tumawa kaming lahat

"Eyyyyyy, bumili ako ng beer" si dylan kararating lang, may dala siya'ng dalawang plastick bag na malaki na nag lalaman ng beer at chichirya.

"Oh, eto" hinagis niya yung malaki na chuckie sa'kin. Di kasi ako umiinom kapag pagod kaya alam na nila kung anong gusto ko.

"Thanks, hehehe" sabay ngiti ko sakanya

At umupo na siya sa harap ko at kumain na. Nang matapos kaming kumain ay kinuha na ni Bri yung beer sa plastick bag at binigyan sila sasha tig isa-isa, incan yung binili ni dylan na mga beer. Habang nagkwekwetuhan sila ako naman ay nakikinig lang kapag may interes ako sa isang kwento sumisingit nalang ako.

"Ahh, Oo nga pala. Yung sugat mo soraya gamotin natin" tumayo si sasha at kinuha yung first aid kit, at inalalayan ako papunta sa may sofa.

Yung kinuha ni sasha na kurso ay nursing, Si dylan at danny engineering, Si kylie gusto niya maging flight attendant, Si bri at ako about business.

"'Wag kang mag alala, 'di yan magiging scar hahaha" sabi niya habang may pinapahid sa mukha ko

"Oh, eto salompas" at inabot niya sa'kin yung salompas

"Salamat! Hehehe" sabi ko

Nag lagay ako ng salompas sa likod, legs at sa braso. "Aakyat na'ko" pagpapaalam ko sa kanya at kinuha ko yung chuckie sa may coffe table.

Pumasok na'ko sa kwarto at humiga sa kama ko, kinuha ko yung phone ko at pinindot ko ang facebook. Ano ba ang pangalan ng lalaki kanina?

Jack? Max!? Sino nga ba yun?!

Naiistress na'ko kakaisip kung sino yun.

Ahhh Daxon!! Tinype ko yung pangalan at sinearch. Maraming daxon ang nandito pota, iniisa isa ko yung mga pangalan na naroon.

Bakit maraming daxon na pangalan punyeta!

In off ko nalang yung phone ko at natulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Beyond (Gates Of Hell)Where stories live. Discover now