Prologue

79 1 0
                                    


Ang kwentong ito ay ginawa gamit ang imahinasyon ng nagsulat. Ano mang pagkakatulad sa tao, lugar, at pangyayari ay nagkataon lamang at di sinasadya. Ito ay produkto lamang ng kathang isip at kajejehan ng author simula pa taong 2011.




——————————————————————------------------------------------------------------------------------

Prologue



"Dito" pakli niya sabay hatak sa kamay ng kasama.

Kanina pa sila tumatakbo, di nauubos ang daan pero ang lakas nila unti unti ng tumatakas

"Makikita niya pa din tayo dito, di tayo makakatakas!" Anas nito. Umiling siya kasabay ng maingat niyang paglagay ng kamay sa bibig nito.

"Hangga't andito ako, sisiguraduhin kong walang mangyayari sa'yo. Magtiwala ka lang sa akin" Halos pabulong niyang turan at niyakap ito ng mahigpit at pilit na nagsumiksik sa malaking ugat ng punong pinagtataguan nila.

Namayani ang katahimakan sa pagitan nila ngunit di rin ito nagtagal. Papalapit ang mga yabag sa kanila, ramdam nila sapagkat naapakan nito ang mga dahong nalaglag mula sa puno na pinagtataguan nila ngayon. Dinig na dinig nila kung gano kalalim ang hinga ng bawat isa.

"Alam ko na alam niyong ito na ang katapusan niyo, bakit di pa kayo lumabas diyan sa pinagtataguan niyo?" Ani ng may-ari ng mga yabag.

Halos humihawalay ang mga kaluluwa nila ng marinig ito. Mas napahigpit ang yakap nila sa isa't isa.

Muli nilang narinig ang mga yabag at papalapit ito ng papalapit sa kanila...

Nagkatinginan silang dalawa at dahan dahan niyang ibinuka ang bibig...

"Bago matapos ang lahat, gusto kong sabihin sa'yo, na...."

Di niya pa natapos nag sasabihin ng biglang bumulaga sa kanila ang isang taong nakasuot ng maskara

"DITO NA KAYO MAMAMATAY!" habang iwiniwagayway nito ang kutsilyong hawak

Magandang gabi, Kaibigan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon