CHAPTER 2: Road to Pain

56 0 0
                                    

Chapter 2: Road to Pain.

Marchee's POV.

Sunday Evening. 6:55 PM


"Andito na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila ng makakababa kami sa parking ng bahay namin

Awtomatikong nagtaas ng kamay ang lahat at sumigaw ng "Present"

"Wow! Ang tataas ng energy niyo! So tara na ba? Teka asan si Shawn?" Luminga linga ako sa paligid dahil di ko makita nag Boyfriend ko a.k.a driver namin.

"Sabi niya mag-ccr lang siya kanina eh" Wika ni Annika.

"Sunduin mo na Marchee para makaalis na tayo" Suhestiyon ni Mia.



Agad kong pinuntahan sa CR si Shawn at kinatok, mula sa loob ay may nadinig ako na parang sumusuka.

  

"Mahal okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong dito.

Maya maya pa ay lumabas na ito habang namumula ang mukha. 



"Napano ka? Masama ba pakiramdam mo?" Agad kong inalalalayan si Shawn ng makita kong muntik na siyang mabuwal.



"Mahal medyo masama ang pakiramdam ko kanina pa." Naihilamos nito ang palad sa mukha. "Hindi ko lang masabi sa grupo kasi excited na silang lahat sa byahe." Naiiyak na bulalas nito.


"Mahal naman eh, alam mong pwedeng pwedeng sabihin yan sa mga kaibigan ko, hanggang ngayon ba nahihiya ka pa rin sa kanila?' Tanong ko dito.


"Hindi naman sa nahihiya pero ang tagal na kasing pinlano nito, si Cy at Lake nga nag leave pa sa mga trabaho nila para lang dito tapos biglang di matutuloy dahil sa akin?" Malungkot na sagot naman niya sa akin


"Wag kang mag-aalala, maiintinidihan nila. Akong bahala." Niyakap ko siya habang sinasabi ito upang gumaan naman ang loob niya. Maya maya pa ay niyaya ko na isyang lumabas ng makaupsa na namin mga kasama namin.



3rd Person's POV


Magkahawak-kamay na lumabas ni Shawn at Marchee sa bahay at lumapit sa mga kasama.



"Hoy ang tagal niyo sa loob ah" Pang-aasar ni Wenard sa kanila.


"Ano naman? Porke't magjowa bawal magtagal sa loob ng bahay?" Sabat ni Stepy.


"Ay day, wiz naman ikaw ang kachika. Bakit may pagsabat ang beki?" Singhal naman ni Wenard dito


"Bakit di na lang kayo magpatayan? Dali na gusto namin makakita ng dugo!" Wika ni Cy sa mga ito sabay abot sa tripod kay Stepy.


Bumaha ng tawanan dahil sa sinabi ni Cy.


"Tumigil na nga kayo at para kayong mga bata! Ikaw naman Cy imbes na pigilan mo 'tong dalawa, nakisali ka pa. Palibhasa ang hilig mo sa dugo." Pangaral ni Lindy sa mga ito at kinuha ang tripod na inabot ni Cy kay Stepy.


"Ehem guys" Kuha naman ni Marchee sa atensyion ng mga kasama. Agad namang napalingon ang mga ito sa kanya. Hinawakan nito ulit ang kamay ni Shawn bago magsalita.


"Ganito kasi yan, may sasabihin kami ni Sha---"


"Oh my gahd buntis ka na Ate Tachelle?????" Putol ni Wenard sa mga sasabihin pa ni Marchee. Agad naman siyang binatukan ni Lindy dahil dito.


"Ikaw Wenardo Jr. ha! Kanina ka pa, isang isa ka na lang talaga sa akin" Gigil na saad ni Lindy na halatang napipikon na.


"Malay niyo ayon ang iannounce nila talaga?" Pangangatwiran pa ni Wenard habang hinihimas ang ulong nabatukan.


"Siyempre hindi yon yon, gagang 'to!!" Sagot naman ni Vlad habang kumukha ng larawan sa kanyang cellphone


"Guys, can we just let them speak? It's eating our time." Hindi nag-aangat ng tingin na wika ni Cy. Hindi mahiwalay ang tingin nito sa telepeno nito.


"Okay eto kasi yon guys, nung sinundan ko si Shawn kanina sa CR. Naririnig ko na nagsusuka siya. Turns out na di pala maganda ang pakiramdam niya." Paliwanag ni Marchee.


"I know excited ang lahat sa trip na ito pero kung masama naman ang pakiramdam ng magdidrive sa atin, hindi rin tayo matutuloy. Ayoko naman ilagay ang safety ng lahat sa alanganin." Dagdag pa nito. Natamik ang lahat dahil sa narinig.


"Sorry talaga guys." Maluha luha namang sambit ni Shawn.


"Ayoko namang magsama tayo ng driver kasi hindi ganon ang yearly tradition natin. Kung bakit naman kasi walang marunong mag drive sa atin at lahat tayo naka-asa lang sa driver. Hahaha" Tumatawa man ay alam lang nila na pilit ito at gusto lang ni Marchee na mapagaan ang mood ng lahat.



Biglang tumayo si Cy mula sa kinauupuan niya.


"May mapa naman siguro kayo nung pupuntahan natin di ba? Ipasok niyo na sa loob mga gamit niyo nang makaalis na tayo." Wika nito at pumunta sa likuran ng sasakyan para ilagay ang kanyang bag.


Sinundan naman ng lahat ng tingin si Cy habang ginagawa ito habang di natitinag sa kanya kanya nilang pwesto

Magandang gabi, Kaibigan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon