Realized (Mika Reyes - Ara Galang - Bang Pineda) <OneShot>

1.8K 42 12
                                    

One Shot

Ara's PoV

Kim: pati ba naman sa court mag-iiwasan kayo?

Bulalas nito pagkalabas namin ng dug-out. Nauna na ring lumabas ang iba pa naming teammates.

Ako: Hayaan mo na. Halika na.

Hila ko rito, pero paglabas namin ng dug-out di ko inaasahan ang taong nag-aantay sa akin. Been what? Months simula ng huli kaming mag-usap.

Kim: Hi bang!

Bati ni kim rito at tingin sa akin. Di ko inaasahan na makikita ko sya ngayon dito.

Bang: Hi! Congrats.

Bati nya sa amin.

Kim: Salamat. Sige, Mauna na ako. Sumunod ka na lang Wafs.

Bilin naman sa akin ni Kim ng di ako magsalita. Ewan? Shock maybe na she's here.

Bang: Kamusta na?

I just can't believe na she's here.

Ako: Ito, working things out para sa team. Ikaw kamusta?

Naglalakad na kami palabas ng Arena. 2nd game namin ngayong season. Di na ako magtataka kung ba't nandito sya, kalaban namin AdU.

Bang: working things out din?

Patanong nitong sagot. Di ko naman ikakaila na namiss ko rin sya.

Ako: gaya-gaya ka naman e.

Pagbibiro ko. Para kasing may wall kami between us na nagkakailangan pa kami sa mga sasabihin namin. Yong tipong nangangapa pa kami sa magiging outcome ng maari naming masabi.

Bang: Di ka pa rin nagbabago. You really know how to make things easy.

Kung kanina ramdam ang ilangan sa aming dalawa ngayon medyo light na dahil sa sinabi nito. Ibigsabihin lang non pwede na kaming mag-usap tulad ng dati.

Ako: kasi alam mo rin kung pano ako sabayan. Andito na tayo.

Saad ko ng makalabas na kami ng Arena.

Bang: Ayon na ang Shuttle nyo.

Turo nya sa shuttle bus ng team. Actually wala pang alam ang team na wala na kami. Nagkataon rin na start na ng season kaya di na rin sila nagtaka kung bat di kami nagkikita at nag-uusap sa twitter. Bawal kay coach ang distraction.

Ako: Oo nga. So pano?

Bang: Text-text na lang?

Alangan ngunit hopeful nitong sagot. Sa ilang buwan na di kami nagkita tanging twitter lang ang nagsisilbing balita ko kung ano ng nangyayari sa kanya.

Ako: been waiting for you to say that.

Bang: Same number?

Ako: Same number.

Tyaka ako ngumiti rito. Ngumiti rin ito bilang ganti.

Ako: Can I have one?

Sabay angat ko ng kamay ko mid-air for a hug.

Bang: Di ka pa rin nagbabago.

Saad nito bago ako pinagbigyan sa request ko.

Ako: I'm sorry!

Bulong ko rito. I know I was stupid nong hiniwalayan ko sya. Pero ganun ata talaga, baka pag pinagpatuloy namin mas lalo nya akong kamuhian. Di ko ata kakayanin yon.

Bang: Tapos na yon. Siguro di lang talaga tayo para sa isa't-isa......

Ara: sa ngayon....

Dugtong ko. I know naman deep in my heart mahal ko sya. Pero wala, sira ulo lang talaga 'tong puso ka at kung sinu-sino ang ginugusto. Paiba-iba ang tinitibok na pangalan. Unstable...

Realized (Mika Reyes - Ara Galang - Bang Pineda) &lt;OneShot&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon