Idol Loves Fangirl....Possible kaya???

964 7 0
                                    

bold -- dialogue

italized - internal dialogue (nasa isip lang nila!)

Sana magustuhan ninyo yung gawa ko... First time ko to so all your suggestions tatanggapin ko!

"Masaya ako pag kasama kita. Feeling ko kaya kong maging ako pag ikaw ang kasama ko....

can you be my..."

BUZZ! BUZZ! BUZZ!

ANO BA YAN!??! malapit na eh! ano ba!?!?!?! sabay sigaw ko sa alarm clock ko.

Ako nga pala si Alex, 23 years old at nagtratrabaho bilang online teacher sa Ortigas. Wala pa akong boyfriend since... 2010. Kala nyo since birth no? haha! di po NBSB ang drama ko pero anyway isa akong teacher sa mga Koreano na feeling magaling pero kung mag English talo pa sila ng 3 years old ko na pamangkin...huwaw nag ryhme! Masaya trabaho ko. Medyo mas madaming petiks kesa sa aktual sa trabaho kaya minsan nagagawa ko gusto ko kung minsan...wag lang FB, Twitter, downloads, at youtube..

Yung lalake sa panaginip ko si Enzo - oo artista sya at fan na fan nya ako! grabe di ko nga alam kelan nagsimula yung pagkaloko ko sa kanya pero basta love na love ko sya!

Anak gising na! Maligo ka na para hindi ka mahuli sa opisina sabi ni Mama

Opo ma! Ma nakakainis yung panaginip ko BITIN!

Si Enzo nanaman no?

Opo!

Hay nakung bata ka kung kelan ka nakapagtapos ng pagaaral dun mo pa naisip mag ilusyon ng ganyan! mag isip ka nga! Artista yun at ikaw pangkaraniwan ka lang!

Ma naman hanggang sa panaginip KJ!

Hala maligo ka na para mahimasmasan ka sa kinababaliwan mo!

Kainis talaga si mama! care bear ba na magpantasya ako kay Enzo? Di pwede? tsaka alam ko naman limitasyon ko dun! pero paano kaya kung mangyari yun? Ano kayang feeling? ay kinikilig ako!~

ENZO POV

CUT! Good Job Enzo! Pack up na Pack up!

Thanks direk! ingat po kayo!

Another shoot done. FINALLY makakapag pahinga na ako!

Kuya Inggo uwi tayo sa QC ahh

Sige ho..

makatulog na muna habang nasa biyahe antok na ako eh. Ako nga pala si Enzo Padilla, 24, artista. Matagal na rin ako sa business so alam ko na gagawin ko.

Ano kaya maganda patutugin? Rascal Flats? Sige!

Habang nagdrive si kuya Inggo napatingin ako sa labas ng kotse namen. Minsan ang sarap pag simple ang buhay. Yung hindi na pressured na gawin ang bagay na hindi mo gusto gawin. Masaya naman ako sa trabaho ko mahirap nga lang kasi puyatan. Pero sana maranasan ko naman maging simpleng tao lang. Para maiba naman.

AY ANAK NG KUBA! Ano bang problema mo kuya?!?! gusto mo akong patayin?!?

ALEX POV

Its another wonderful day! Hay naku.. yung panaginip ko talaga kay Enzo napaka realistic! nakakaloka! parang isang scene sa pelikula....baka nga...o baka rin hindi AH BASTA! Walang magiging pasaway na araw na..

AY ANAK NG KUBA! Ano bang problema mo kuya?!?! gusto mo akong patayin!??!

Hoy Kuya bumaba ka dyan! tignan mo ginawa mo sa ken!?!? yung outfit ko! huhuhu TT_TT

Nakaputing T-Shirt kasi ako at maong pants dahil required samen sa office magsuot ng ganun every Friday

Bumaba si Kuya

Ay sori Ma'm hindi ko po kayo napansin.

Kuya ok lang yun alam kong nagmamadali ko pero pano ako?! yung T-shirt at Pants ko putik putik! Kuya naman Friday pa napili mo! TT_TT patay ako nito! late ako nito malamang sa trabaho! TT_TT

Miss okay ka lang ba? wala bang masakit sayo.

At sino ka ba para magtanong saken nyan ha?!

Alam ko ang boses na yun... could it be? no. no. no....SYA NGA!

MIss ok ka lang ba? Miss? Miss? Huy!

Ano tingin nyo guys?? Sa totoo lang kinakabahan ako.. Pramis! comment naman kayo oh!

Idol Loves Fangirl ~~~~Completed~~~~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon