Кяissа Dеlа Vеgа"Krissa, congratulations! Kasi mamaya, madidischarge ka na!" Excited na sambit ni Nurse Thea saakin. "Grabe noh? Mag si-six years ka na rit-"
"Nurse Thea." May pagbabantang putol ni Doc. Pierra.
Well truth to be told, I spent 6 years dito sa Foretree Psychiatric Hospital. Reason? I don't remember. I just woke up one day and found myself tied in a bed. Anyway, that was years ago, I'm much better now.
"But before anything else Krissa, gusto ka munang kausapin ni Doc. Elijah." Ani ni Doc Pierra habang may kung anong isinusulat sa planner niya. Nilingon ko ang nakalahad na kamay ni Nurse Thea saka ito tinanggap at nagpahatak patungo sa opisina ni Doc Elijah. Ang Head ng Foretree Psychiatric Hospital.
Tatlong katok ang ginawa ni Nurse Thea bago binuksan ang pinto ng opisina saka tuluyang pumasok rito kasama ako.
"Krissa Dela Vega, hindi mo alam gaano ako kasaya ngayong makakalabas ka na rin dito. I'm so proud of you." Nakangiting tugon saakin ni Doc Elijah. I think he's in his 50's.
"I couldn't have survived this without you and your crew's assistance Doc Elijah." Baling ko sakanya saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Pero, do you mind if I do some briefing first?" Tanong niya kaya tinanguan ko na lamang bilang sagot.
Lumabas muna si Nurse Thea nang sinenyasan siya ni Doc Elijah. Saka lang ako umupo sa upuang nasa harap ng lamesa ni Doc.
"So... Let's begin. What is you're name?" Panimula niya.
"Krissa Dela Vega po."
"Ilang taon ka na Krissa?"
"27 years of age."
"Anong taon ka ipinanganak?"
"June 9 sa taong 1989 po."
"Ba't ka napunta sa Foretree Psychiatric Hospital?" Natigilan ako sa biglang pagtanong niya rito.
Why am I here pala?
"So... You still don't remember huh?" Inangat ko ang paningin ko at nakitang nakataas ang isang kilay ni Doc.
"I still c-cant..." sagot ko sakanyang katanungan at napabuntonghininga lamang.
"Don't worry Krissa. Not remembering the reason for your admission won't deprive you from your freedom. But promise me that when you're out there, you will do whatever it takes to learn the reason okay?"
"Okay Doc Elijah..." tanging sagot na lumabas sa bunganga ko. What was I supposed to do pala? Why should I look for the reason if that's what brought me here? What if pag natandaan ko, I'll turn crazy again just like what they described me 6 years ag-
"KRISSA DELA VEGA!" Bumalik ang aking ulirat nang mangibabaw ang nakakatindig balahibong hiyaw ni Doc Elijah. "Were you being hysterical just now?" I did not answer his question.
"Perhaps... hindi pa yata oras para i-discharge ka-" padabog akong tumayo saka hinampas ang bag ko sa lamesa niya na naging sanhi ng pagkagulat niya.
"You. Are. Setting. Me. Free." Mariin kong tugon pero sa halip na sagutin niya ako ay biglang pumasok ang isa pang caregiver dito sa Psychiatric Hospital.
"Doc Elijah! Patient 09 is missing!" Hiyaw nito kaya biglaang tumayo si Doc Elijah saka ako binalingan.
"Krissa. We'll talk later. For now..." Nilingon niya ung caregiver and the next thing I knew, they injected something to me. "Sleep well." And then everything went black.
***
Smoke. That was the first thing I saw nang imulat ko ang mga mata ko.What the heck just happened?
Sinikap kong tumayo saka lumabas sa silid na kinalalagyan ko. I'm back inside my room. I tried opening the door but it won't budge.
"Nurse Thea! Doc Pierra! Doc Elijah! Anyone?!?! Tulong! May sunog!" Halos lahat na yata ng pangalan ng mga caregiver rito ay nabanggit ko sa kasisigaw pero walang sino man ang sumagot sa mga ito.
"Krissa?" Natuwa ako nang may marinig akong pagtawag sa lavas ng pintuan ko ngunit napawi rin ito agad nang mapagtantong hindi ito isa sa mga caregiver at mas lalong hindi ito doktor. "Krissa? Is that you?!" Unti-unti akong napaatras palayo sa pintuan.
No it can't be... Ba't siya nasa labas?
"Krissa?" Another voice emerged from there kaya mas lalo akong kinabahan.
My hunch is right.
"Krissa, answer us!" Kasabay ng pagsigaw ng lalaki sa labas ay ang pagkalabog rin ng pintuan ko. They must be trying to break inside my room.
"Krissa!" Dahil sa takot, agad akong kumilos papunta sa kabinet na nasa gilid lamang ng pintuan ko saka ito itinulak ng magsilbing ikalawang pananggalang.
Hindi sila dapat makapasok rito.
"Krissa! Come on! Remove the thing that's blocking the door! Krissa!" Binagsak ko ang katawan ko sa kama saka ako nagtago sa ibaba ng kama.
"Krissa! Open this goddamn door!"
There are only 4 words that are stuck in my mind.
"I have to escape."
◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇
A/N: My first story after being rebooted♡ Oh and yeah, Relationshit and Imperious series #1s would be republished after some time.