LAVENDER
Hindi namin natuloy ang pamamasyal at agad din kaming bumalik sa palasyo. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ako. “Tiyak na matutuwa ng lubos ang mahal na hari!” masayang sabi ni Hecate habang naglalakad ng pabalik-balik sa aking harapan.
“B-baka hindi totoo? Kasi paano niyo masasabi na buntis ako? Baka mamaya umasa si Hades sa wala.” nag-aalinlangan kong sabi. Malungkot naman si Selene na tumabi sa akin.
“Queen, ayaw mo ba sa anak niyo ng hari?” naiiyak na sabi ni Selene kaya napanganga naman ako. Ano raw? “Ha? Paano mo naman iyan nasabi?” tanong ko sa kaniya at humarap dito. “Kasi p-parang ayaw mo eh, di ka naniniwala agad.” sabi niya kaya naman humugot ako ng malalim na hininga.
“Hindi sa ganon, Selene. Kasi sa amin sa mundo ng mga tao. May test na isinasagawa para makumpirma na nagdadalang-tao kami. Eh dito? Walang ganon.” sabi ko saka kumamot sa aking pisngi. Nakaka-frustrate! “Iyong bata may lahi siyang manghuhula at nakikita niya ang hinaharap.” sabi ni Hecate.
“Queen, kanina pa ako nagtataka kung bakit kakaiba ang takbo ng iyong pulso.” sabi niya kaya ngumuso ako. “Yung bulkan?” agad kong sabi at napatapik naman si Selene sa kaniyang noo. “Tama!” sabi ni Selene. Si Hecate naman ay kung ano-anong orasyon ang binabanggit hanggang sa may usok na lumabas saka tila TV ang nasa harapan namin. Napapanood namin ang bulkan na tumigil na sa pagbuga ng apoy.
“Iyan sapat na ba para maniwala ka na nagdadalang-tao ka na, Queen?” tanong ni Hecate sa akin at napatameme naman ako du’n dahan-dahan na inilagay ko ang aking kamay sa puson ko. “May baby na talaga sa tiyan ko. May a-anak na talaga ako.” sabi ko at agad na bumuhos ang mga luha ko.
“Queen, bakit ka umiiyak?” tanong ni Selene sa akin. “May masakit ba sayo? Nalulungkot ka ba? Queen, ano?” tarantang tanong ni Selene sa akin. Napailing ako. “Masaya ako. Masayang-masaya ako.” humihikbing sabi ko. Napakamot sa batok ang mga kasama ko.
“Masaya ka pero umiiyak ka? Queen naman.” sabi ni Hecate at umupo sa tabi ko. Naka-upo sila sa magkabilang gilid ko.
“Ganito kami. Hindi naman kami palaging umiiyak dahil sa nasasaktan o nalulungkot kami eh, minsan, dulot din ng isang kasiyahan kaya kami umiiyak.” sabi ko at napatango naman ang dalawa. Tumayo ako para kunin ang isang baso ng tubig dahil bigla akong nauhaw.“Wala bang update tungkol kina Hades?” tanong ko sa kanila at umiling ang mga ito. “Wala akong kapangyarihan para pasukin ang Tartarus, Queen. Maski isa sa atin, wala.” malungkot na pahayag ni Hecate. “Babalik silang ligtas, Queen. Magtiwala ka sa sinabi ng iyong asawa.” sabi ni Selene kaya tumango ako.
We will be back. Iyon ang huling sinabi ni Hades sa akin bago sila umalis.
“Queen, ngayon na may batang nabubuhay sa iyong sinapupunan ay hindi ka na maaaring lumabas sa kwartong ito na hindi kami kasama. Mamasyal na lang ng basta-basta.” striktong sabi ni Hecate kaya napanguso ako sa kaniya. “Kahit man lang diyan sa bakuran?” tanong ko sa kanila. “Makakapunta ka ngunit kasama mo kami.” sabi niya.
“Queen, huwag mong masamain ang ginagawa namin dahil para rin sa kaligtasan mo at ang batang dala-dala mo.” sabi ni Selene kaya tumango ako. Lubos ko iyong naiintindihan. “Sa tingin niyo ba magiging masaya si Hades?” tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumango. “Syempre naman po, Mahal na Reyna. Ito kaya ang pinakahihintay ni Haring Hades.” sabi ni Hecate.
What’s up, asshole. You better get back safe and sound or else. Sabi ko na sana ay makaabot kay Hades sa kung saan man sila.
Napabuntong-hininga ako at pinanood ang paglubog ng araw. “Takot ba kayong masinagan ng araw?” tanong ko sa dalawa na umiling naman. “Hindi lang kami sanay, Queen.” sabi ni Selene at yinakap ang isang unan.